KABANATA 7: PESADILLA REAL

3108 Words
Nang makita kong nakatingin sa amin si Enrique ay naestatwa na lamang ako sa pwesto, walang imik at hindi alam ang gagawin. Nang magtama ang aming mga mata ay binigyan lamang ulit ako ni Enrique ng isang pilit na ngiti at saka umiwas na ng tingin. Tumayo siya at naglakad paalis sa kaniyang kinauupuan. Hindi ko alam kung saan siya dadako, pero sigurado akong nasaktan siya sa nakita niya sa amin ni Juancho. Pero, bakit naman siya makakaramdam ng sakit? Nagseselos ba siya sa amin ni Juancho? I don't want to jump in a conclusion without any valid evidence. Magkaibigan kami simula pa noong mga paslit kami, baka ayaw niya lamang na umaaligid sa akin si Juancho dahil nakatadhana siya bilang maging isang traydor. Subalit, nakapagpalagayan na sila ng loob. Naguguluhan ako... Kumuwala na sa pagkakayakap sa akin si Juancho ngunit nanatili lamang akong nakatulala sa may bintana. Ibinaling din naman ni Juancho ang kaniyang tingin sa kung saan ako nakatitig, ngunit wala siyang nakita dahil umalis na si Enrique sa pwesto. "Sino ang sinisilip mo roon, Maya?", tanong ni Juancho. Doon lamang ako bumalik sa katinuan, at humarap na muli ako sa kanya. "Ah, wala. May nakita lang akong magandang ibon doon sa sanga," I said and smiled at him. Ngumiti rin naman siya sa akin, at nakita kong naningkit ang mata nang ako ay ngitian niya. How could this man be this beautiful? Everything is perfect. I'm sure his smile is his asset. Sino ba namang hindi mahuhulog sa mga matatamis at mapangtuksong ngiti niya. Pumasok nang muli si Elena upang dalhin na kay Juancho ang mga nilinis niyang halamang gamot. Dinurog niya ito sa isang plato at saka inilagay sa sugat ng kapatid niya. "Ahh! Mahapdi," reklamo ni Juancho. Ito lang pala ang makakapagpalambot sa kanya. Kanina lamang ay napakatapang niya habang nakikipagbuno sa mga masasamang tao tapos mas nasaktan siya sa paggamot ng sugat niya. Napatawa ako nang mahina at biglang lumingon sa akin si Juancho. Binigyan niya ako ng mga nakatutusok na mga titig, at napakagat naman ako sa ibabang labi ko at napapikit dahil sa tawa ko. Nginiwian niya ako ng labi at nagpokus nang muli sa kapatid niyang ginagamot ang sugat niya. Lumapit ako nang kaunti kay Elena upang silipin ang ginagawa niyang paglalagay ng mga dahon- dahon sa sugat ng kuya niya. I saw Juancho's abs flexing while Elena is treating him. It was very distracting and disturbing. Siguro ako lang naman ang nadi-distract at hindi si Maya dahil magkapatid sila. Hay Maya, kung ano- ano na naman ang iniisip mo. I'm wondering kung saan natuto si Elena sa panggagamot. Halata sa mga kilos niya na alam niya ang ginagawa niya. Bihasa na siya paglalagay ng mga gamot sa malaking sugat ng kapatid niya, at kontrolado niya kung paano ito ia-apply nang maayos. I want to ask her where she learned this. "Elena, saan ka natutong manggamot ng mga sugat?", kuryosong tanong ko habang nakatingin sa ginagawa niya. Napatingin din naman sa akin si Juancho ngunit si Elena ay nakatutok lamang sa ginagawa niya. "Tinuruan akong manggamot ni Tiya Pia noong mga bata pa kami. Isa rin kasi siyang manggagamot," tugon niya sa tanong ko. "Saan naman natuto manggamot si Tiya Pia mo?", dagdag na tanong ko pa. "Isang kilalang manggagamot kasi ang Lola noong nakababata pa siya. Tinuruan niya ang lahat ng anak niya manggamot maliban sa aming ama dahil bata pa lang siya ay naghahanapbuhay na siya," sagot niya. Napatango ako sa sagot ni Elena at nakita naman ito ni Juancho. Nakita ko ang maliit na ngiti niya mula sa naging reaksyon ko at saka tumingin muli kay Elena. Ilang minuto rin ay natapos nang gamutin ni Elena ang sugat ng kapatid niya. Binalutan niya rin ito ng benda paikot sa baywang ni Juancho upang mapanatili ang mga dahon sa sugat nito. Ilang minuto na rin ang nakalipas ngunit wala pa rin si Enrique, maging si Mang Tonyo. Si Mang Tonyo ay kumuha ng aming kakainin sa bayan ngunit si Enrique ay hindi ko alam kung saan pumunta. Nasasaktan pa rin kaya siya na nakita niya kanina? Makalipas ang sampung minuto, dumating si Mang Tonyo dala ang isang bugkos na mga saging na saba. Nagulat naman ako dahil kasunod niya si Enrique na may dala namang isang patay na manok. Pagkapasok niya sa tahanan ay napaawang ang labi ko. Ngunit mas nagulat ako dahil binigyan niya ako ng isang malaking ngiti sabay angat sa hawak niyang manok. Napangiti na rin ako sa kanya dahil paniguradong isinantabi na niya ang nakita niya sa amin ni Juancho. Inihanda na ni Mang Tonyo ang aming kakainin sa hapunan. Nilaga niya ang mga nakuha niyang saging na saba at ang manok naman na kanilang nahuli sa kakahuyan ay kaniyang ginawang Tinola. Habang nasa hapag, inalok kami ni Juancho na magsimba kaming tatlo nina Enrique sa may Parokya ng San Pedro, hindi kalayuan sa may bayan. Gusto niya raw kaming ipasyal sa simbahang iyon, at Linggo rin naman bukas. "Huwag na muna tayo pumunta sa simbahan, dahil sariwa pa ang sugat mo sa tagiliran," suhestyon ko kay Juancho. "Ayaw kong masyadong ipinapahinga ang katawan ko sapagkat mas lalo akong nanghihina. Mas mainam kung lalabas ako at maglalakad- lakad muna upang bumalik ang lakas ko." "Sigurado ka bang ayos ka lang, Juancho? Baka mas lumala pa iyang kalagayan mo," sabi ni Enrique. Napatingin ako kay Enrique, ngunit hindi naman naalis ang tingin niya kay Juancho kung kaya tumutok muli ako sa kinakain ko. "Ayos nga lamang ako. Huwag niyo na akong alalahanin, sapagkat ilang beses na akong nagtamo ng mga saksak. Ang iba pa nga ay mas malala pa rito ngunit hinayaan ko lamang," sabi ni Juancho nang nakangiti sa amin. Humigop ako ng sabaw ng Tinola sabay baling ng tingin sa kaniya. Mukhang ayaw magpapilit ni Juancho kaya wala na akong magagawa sa kagustuhan niya, at saka mukha rin naman siyang maayos. Ni hindi nga niya iniinda ang saksak na natamo niya. "Saglit lamang tayo roon, upang makapagpahinga ka pa rin kahit sandali," sabi ko, at tumango naman si Juancho sa akin. Pagkagising ko ay nakita kong naggagayak na sina Juancho at Enrique. Dali- dali akong bumangon dahil patapos na sila samantalang ako ay kagigising pa lamang. "Bakit hindi niyo man lang ako ginising?", padabog kong sinabi. Nagtawanan naman ang dalawa na mas nakapagpainis pa sa akin. "Kanina ka pa namin ginigising kaso ayaw mo naman bumangon. Tango ka lang nang tango," Enrique said and he chuckled. "Nakanganga ka pa nga matulog kaya tawa nang tawa sa'yo itong si Enrique," ani Juancho. "Mga bwisit!" Patakbo akong pumunta sa may palikuran upang magsimula nang maligo. Habang nagkukuskos ako ng katawan ay inis na inis ako sa dalawa. Hindi man lang nila itinuloy ang paggising sa akin. Mataas na ang sikat ng araw pero humihilik pa ako sa higaan. Argh! Nagmamadali kong sinuot ang blusang puti at saya na kulay kayumanggi. Nagsusuklay ako nang pinamadali ako ni Enrique dahil sabi niya ay tumutunog na raw ang kampana sa may simbahan. Hindi ko na natapos ang pagsusuklay ko, isinuot ko na agad ang pangyapak ko upang makaalis na kami papuntang simbahan. "Bilisan mo, Maya. Ang tagal mo kasi gumising, 'yan tuloy nahuli na tayo sa misa," paninisi ni Enrique sa akin habang tumatakbo kaming tatlo. Hingal na hingal na ako kaya minsan ay napapatigil ako sa aking pagtakbo upang huminga nang sandali. Sumisenyas naman sa akin ang dalawa na bilisan ko na raw dahil malapit nang magsimula ang misa. Marami na ang tao sa simbahan nang kami ay makarating. Nakita ko ang ilang mga taong nagtitinda sa may labas ng simbahan. Nakita ko rin ang ilang mga tao na nakasuot ng magarbo at magarang kasuotan. Ang mga palamuti at alahas ang palatandaan ng kanilang antas sa lipunan. Nakakapit ang ibang kababaihan sa kanilang kasintahan habang mayuming naglalakad. Tunay ngang konserbatibo ang mga tao sa panahong ito, lahat ng mga kababaihan ay balot na balot ng tela. Ang kanilang mga saya ay umaabot ng alak- alakan samantalang ang manggas naman ng kanilang blusa ay umaabot sa kanilang pulso. May mga dala rin ang ilan ng magandang pamaymay. Ang layo ng katayuan nila sa kung ano ang katayuan ko ngayon. Mabuti na lamang ay may pwesto pa kaming mauupuan ngunit kami ay nasa likod lamang. Kalapit namin ang mga matapobreng Don at Doña. Lahat ng mga ordinaryong tao ay binababaan nila ng tingin at tinitignan bilang mababang uri ng tao. "Magsitayo po ang lahat," paanyaya ng lektor ng simbahan. Nagsitayuan na ang lahat kung kaya tumayo na rin ako. Nagsimulang magdasal ang tagapagsalita ng simbahan. Hindi ako sanay magsimba lalo na sa panahnon ngayon kaya lubos akong naninibago. Ni hindi ko alam ang gagawin ko kaya ginagaya ko na lamang ang ginagawa ng mga nasa paligid ko. Pagkatapos ng isang mahabang dasal na nasa wikang Español, ay dumating na ang kura paroko, pinakamataas na prayle sa loob ng simbahan. "Magbigay po tayo ng isang malakas na palakpak sa pagpasok ng lingkod ng Diyos na si Padre Maximo." Matapos ipakilala ng lektor ang prayle ay lumabas na ito at tumayo sa harap ng altar. Nakasuot siya ng isang mahabang damit na kulay kayumanggi at may parang sinturon na nakakabit sa kaniyang baywang. May kalakihan ang kaniyang tiyan at medyo napapanot na ang kaniyang ulo dahil sa katandaan. Nakangiti siya sa harapan ngunit ako naman ay natatakot sa aura niya, dahil base sa pagkakaalam ko, ang mga prayle sa panahong ito ay makapangyarihan at ang iba nama'y mapanakit. Naalala ko pa ang kwento ng Noli Me Tangere noong ako ay nasa high school pa lamang kung saan kinatatakuan ng mga tao ang mga prayle, lalong lalo na si Padre Damaso, na gumahasa sa sarili niyang anak na si Maria Clara. Bahagyang nanindig ang balahibo ko dahil sa iniisip ko. Sana hindi magkatotoo kung ano man ang mga inilimbag ni Rizal patungkol sa tunay na pagkatao ng mga prayle dahil isang bangungot ito para sa mga kababaihan. Nagsimula nang magsermon si Padre Maximo sa misa. Ang mga tao ay nakatutok na sa kaniya. Ang buong simbahan ay nabalot nang katahimikan, ay hindi ako sanay sa ganito. "Huwag na huwag tayong magpapakabulag at magpapaalipin sa pera sapagkat ito ang magdadala sa atin sa kapahamakan. Gagawin tayo nitong ganid at ito ay maaring maging mitsa ng ating kamatayan," sabi pa nito. Gulat na gulat ako sapagkat nagsisitayuan ang mga tagapakinig upang palakpakan si Padre Maximo. Hindi ko rin naman maipagkakaila na magaling siyang magsalita at magsermon ng salita ng Diyos. May konbiksyon ang lahat ng salitang binibitawan niya. "Sa ating pagbibigay ng ating kaloob para sa parokya, maging tapat sana tayo katulad ng pagiging tapat sa atin ng ating Diyos. Magbigay tayo ng siksik, liglig at umaapaw na pagpapala sa ating Panginoon," dagdag pa nito. Naintriga ako sa sinabing ito ni Padre Maximo dahil parang ang dating ay ginagatasan at pineperahan niya lamang ang simbahan at ginagamit pa niya ang salita ng Diyos. Ginagawa niyang negosyo ang simbahan upang makakuha ng pera. Pero, ayoko muna manghusga nang walang sapat na ebidensya. May mga umikot sa amin na mga matatandang kababaihan upang mangolekta ng aming kaloob. Habang nagbibigay ang mga tao ay paulit- ulit niyang binibigkas ang naging sermon niya. Pilit niyang ipinapamukha sa tao na dapat kaming magbigay ng malaking halaga nang sa gayon ay bumalik sa amin ito nang doble doble. Matapos ang naging misa, isa- isa nang nagsilabasan ang mga tao sa loob ng kapilya. Ang ibang mga Doña ay tinataasan pa ako ng kilay bago lumabas. Tintignan nila ako mula ulo hanggang paa na tila ba ang baba baba kong tao. Pinalampas ko na lamang ang mga mapanghusgang titig nila at kinausap ko si Juancho. "Hindi pa ba tayo babalik sa bahay, Juancho? Para sana makapagpahinga ka dahil baka lumala pa iyang sugat mo sa tagiliran, at saka kailangan na ring palitan ang benda niyan," pag-aalala kong sinabi kay Juancho. "Ayos lang naman ako, Maya. Huwag mo na akong alalahanin. Kausapin muna natin si Padre Maximo dahil matagal tagal na rin simula noong huli kaming nakapag-usap," sabi ni Juancho. "Ganoon ba? Sige, hintayin na muna natin si Padre Maximo na lumabas papunta sa atin." Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin si Padre Maximo mag- isa. Nang makita niya si Juancho ay napangiti ito at saka lumapit sa kinatatayuan namin malapit sa tarangkahan ng kapilya. Nagmano si Juancho kay Padre Maximo at hinalikan nito ang kamay ng prayle. Nagmano na rin si Enrique sa kura at saka dinampian din ng halik ang kamay nito. Bago ako magmano sa kaniya ay napatingin muna ito sa akin mula ulo hanggang paa, at napataas pa ang dalawang kilay. Mukhang kinikilala ako ng kurang ito sapagkat bago lamang ako sa lugar na ito at hindi pa ganoon kapamilyar ang aking mukha. Nagmano na rin ako sa kura. Nagdadalawang isip ako kung hahalik pa ako sa kamay nito kung kaya napatigil ako nang saglit at napatingin sa kanya. Nakita ko ang mga maiinit niyang titig kaya hinalikan ko na agad ang kamay niya nang mabilisan. "May mga bago kang kasama ah, Juancho. Ipakilala mo naman ako sa kanila. Ngayon ko lamang nakita ang kanilang mga mukha sa loob ng 20 taon ko sa kapilyang ito," sabi ni Padre Maximo. "Siya nga po pala si Enrique," sabi ni Juancho sabay turo kay Enrique. Ngumiti naman si Enrique at yumuko upang tanda ng paggalang sa prayle. "Siya naman po pala si Maya," sabay turo sa akin. Mainit pa rin ang mga titig sa akin ng prayleng ito kaya tumayo ang balahibo ko at pinagpawisan ng malamig. Iba ang pakiramdam ko sa paring ito. Huwag naman sana mangyari sa akin maging sa mga kababaihan dito ang naging kapalaran ni Maria Clara sa kamay ng isang pari. "Taga- saang bayan ba sila naninirahan at ngayon ko lamang natanglawan ang kanilang mga mukha." Hindi pa rin naalis ang mga titig ng prayle sa akin. Mas lalong lumalakas ang kalabog ng aking dibdib dahil sa takot sa prayleng nasa harapan. Gusto kong alisin ang pag- iisip ko na ito ngunit hindi ko maiwasan. "Mga taga- Maynila po si, Padre Maximo. Nagkatagpo lamang kami rito dahil pansamantala silang nawalan ng tirahan sa kalakhang Maynila, kung kaya pinatuloy na rin naman sila sa aming tahanan," pagsisinungaling na sinabi ni Juancho. Napatingin kami ni Enrique kay Juancho, ngunit nginitian lamang kami nito. Sumabay na lamang kami sa pagsisinungaling ni Juancho dahil hindi pwedeng malaman ng paring ito ang tunay na katauhan namin at kung paano kami napadpad sa panahong ito. "Ganoon ba?" Nanlamig ang buong sistema ko noong hinawakan niya ako sa braso. Tumaas ang balahibo ko sa kaba dahil sa mainit niyang hawak. "Sana lagi ko kayong makita rito, mga anak. Mas matutuwa ang Panginoon kung madalas tayong nananambahan sa kaniya." Wala akong nagawa sa pagkakahawak ng paring ito kaya napatingin na lamang ako kay Enrique. Kita ko sa mukha niya ang pag- aalala at ang gabutil na galit sa pari ngunit wala rin itong magawa. Pilit kong iniiwas ang braso ko sa kamay niya ngunit sumusunod lamang ito sa bawat galaw ko. Hindi naman mapansin ni Juancho ang nararamdaman ko sapagkat ang taas ng pagkakakilala niya sa paring ito. Sinadya kong ihulog ang dala- dala kong payneta upang maalis na ang hawak ng paring ito sa akin. "Ay nahulog, pasensya na po," sabi ko sabay kuya sa nahulog na payneta. Bahagya akong umiwas sa kinatatayuan ko kanina at pumwesto malapit sa likuran ni Juancho. Naging masama naman ang tingin sa akin ng kura pero hindi ko na lamang ito pinansin. Matapos ang naging pag- uusap nina Juancho at ni Padre Maximo patungkol sa iba't- ibang bagay, ay nagpaalam na kami upang umuwi dahil malapit na magtanghalian. "Pasensya na po, Padre Maximo, ngunit kailangan na po namin umuwi. Malapit na po kasi pumatak ang alas- dose at baka mag- alala na ang Itay mula sa matagal naming pagkawala sa tahanan," pagpapaalam ni Juancho sa kura. "Mag- ingat kayo, ha? Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Diyos," tugon ni Padre Maximo at nagbigay ng isang nakatatakot na ngiti. Ewan ko kung ako lang ba ang natatakot sa mga ngiti, pero sa totoo lang nakakatakot talaga. Sumama sa aming paglabas ng simbahan si Padre Maximo. Nang kami ay medyo malayo na sa simbahan ay lumingon ako muli at nakita ko roon ang nakatinging si Padre Maximo. Nakadikit pa rin sa mukha niya ang nakatatakot na ngiti niya kaya humarap agad ako sa aming dinaraanan. Nasa kakahuyan na kami nang biglang tumagaktak ang pawis ko. Kukunin ko na sana ang aking panyo mula sa bulsa ng aking saya ngunit wala iyon rito. Kinapkap ko na ang buong katawan ko ngunit hindi ko pa rin iyon makita. "Anong nangyayari sa'yo, Maya?", tanong ni Juancho. Napansin niyang kanina ko pa kinakapkapan ang katawan ko kaya nagtanong ito. "Nawawala kasi panyo ko. Naiwan ko yata sa simbahan o baka nahulog ko sa dinaanan natin," sagot ko sa kaniya. "Saglit lang at babalik ako baka nahulog lang 'yon sa dinaanan natin. Mauna na kayo alam ko naman pabalik sa bahay." "Samahan na kita, Maya," Enrique insisted, but I declined. "Hindi na, mauna na kayo ni Juancho pauwi. Saglit lang ako at babalik din naman ako." Nginitian ko na lamang sila. Naglakad na ako pabalik sa dinaanan namin kanina. Lumingon ako sa pwesto nina Juancho at Enrique at nakita kong naroon pa rin sila sa kinatatayuan nila kaya sumenyas ako upang paunahin na sila at sabihing ayos lang ako. Umalis din naman ang dalawa at naglakad na pauwi. Habang naglalakad, naalala ko na kasama kong naihulog ang panyo ko kasabay ng sadyang paghulog ko ng payneta sa simbahan. Napapikit na lamang ako dahil may kalayuan pa ang simbahan mula sa nilalakad ko. May nakadikit na kaba sa aking dibdib dahil mag- isa lamang ako naglalakad sa masukal na daanan. Nang ako ay nasa talahiban, nagugulat ako sa mga mahihinang kaluskos dala ng mga naglalakad na hayop. Tila nagkakaroon ako ng atake sa puso dahil sa matinding kaba. Nakarinig ako ng isang malakas na pagkaluskos noong ako ay naglalakad na sa talahiban. Nababalot na ako ng takot dahil sigurado akong may nakasunod sa akin. Sinimulan ko na tumakbo nang mabilis hanggang sa makakaya ko, ngunit biglang may humila sa braso ko. Napatili ako nang malakas at napapikit nang dahil sa takot. Noong idilat ko ang mga mata ko, nakita ko si Padre Maximo. Nakatakip ang mga kamay niya sa aking bibig. Sa sobrang takot ko ay wala na akong naging reaksyon. "Nahuli rin kita, magandang binibini," sabi ni Padre Maximo sabay hawi ng buhok ko sa aking mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD