Ilang minuto kaming nagpaikot- ikot sa loob ng kakahuyan. Tila naliligaw na kami at hindi na namin alam ang daan patungo sa aming bahay. Dahil nga sa masukal at matarik ang daan, makalang beses akong napatid na naging dahilan ng aking pagkadapa. Nagtamo ako ng mga sugat sa aking tuhod, at damang dama ko ang hapdi nito. “Ate Maya, ayos ka lang po ba?” pag- aalala ni Maria nang bigla akong bumagsak sa lupa at naitukod ko ang aing tuhod kaya naman ay may tumulong dugo rito. “Ayos lang ako, Maria. Huwag mo akong alalahanin,” sagot ko habang iniinda ang malaking sugat sa aking tuhod. Kasalukuyang nakaupo lamang ako sa sahig dahil hindi pa ako nakakatayo matapos ang aking pagkadapa, kaya naman labis ang pag- aalala sa akin ni Maria. “Malaki po ang natamo niyong... sugat, Ate Maya,” saad niy

