Nagmamadaling tumakbo sina Juancho, Maya at Enrique patungo sa kanilang bahay habang buhat- buhat si Clarita. Hindi naging madali ang kanilang pagbalik sapagkat kung anong hirap ang pinagdaanan nila sa kanilang daan papunta, ganoon din ang hirap na kanilang pagdaraanan pabalik. May ilang beses na natumba habang mabilis na naglalakad si Enrique dahil sa dulas ng aming dinaraanan, kung kaya kinuha ni Juancho si Clarita mula rito upang siya na muna ang magbuhat dito. Dumaan din ang lagpas isang oras nang tuluyan nilang marating ang bahay nina Juancho. Inihiga ni Juancho ang walang malay na si Clarita sa isang papag. Gulat na gulat sina Elena at Mang Tonyo dahil hindi naman nila kilala ang dalagang idinala namin sa bahay. "Sino iyan Juancho? At... anong nangyari sa kaniya? Bakit wala siyang

