Kakatapos lang naming kumain so we were just taking our time to rest. Bale tig-isa kami ng beer, I know right? Minor pa lang pero heto at napainom ako ng di-oras. Pero okay lang naman siguro kasi sya naman ang kasama ko. Isa pa, ayoko syang uminom ng madami kasi magda-drive pa sya mamaya. Then, sa juice at water naman, hati kami, pati dun sa strawberries na sobrang nagustuhan ko. At dahil ito yung unang pagkakataon na kumain kami na kami lang dalawa, favorite ko na talaga ang fresh strawberries. So pareho lang kaming nakaharap kung saan tanaw yung city lights. Nakatukod yung mga kamay namin sa likod namin, then naka-stretch pareho yung mga paa namin. I was now bare foot, ang hirap naman kung nakasuot pa rin yung pumps ko diba? Sya din, nagtanggal na ng sapatos, pero naka-socks

