Agad akong lumapit sa table na itinuro ni Nathan kung saan nandon si bhez at si Alex. As usual, busy sa paglalambingan kaya walang ibang napapansin kundi isa't-isa lang. "Hey lovebirds." I greeted. Sabay silang napatingin sa akin at sabay na sabay ding napangisi. O bat ganito tong dalawa na to? "Mukhang kami ang dapat bumati sa inyo ng hey lovebirds ah." sabi ni Alex na nagpalit-palit ang tingin saming dalawa ni Nathan na tumabi na pala sa akin. Naiwan ko nga pala sya nung nagpatiuna na ako sa paglalakad. Eh kasi naman ang bagal bagal ng asungot na to noh. Nakaka-conscious na nga yung tingin nung mga schoolmates namin sa amin e. Ang kupad pa ring maglakad. "Naku! Para kang ewan Alex. Lovebirds pinagsasasabi mo dyan. Hindi noh!" defensive kong sabi. E sa hindi naman talaga kam

