Napa-iling si Nathalia habang pinagmamasdan ang sanggol na nasa higaan. Mas palakas ng palakas ang iyak nito, namamaos na ang sanggol sa tindi ng iyak nito pero hindi niya iyon alintana. "Tumahimik ka!" pinisil niya ang pisngi ng bata. "Tumahimik ka! papatayin kita!" Ngunit mas lalo pang tumindi ang iyak nito kaya nainis siya. Pagkatapos ay kumuha ng unan at tinakpan ang mukha nito "Bwisit kang bata ka! napaka pahamak niyo sa buhay ko!" inalis niya ang unan kaya mistulang hinabol ng sanggol ang kanyang hininga. Ngunit tila mas lalo pa natuwa si Nathalia. "Kawawa ka namang bata ka, napaka malas mo at isinilang ka sa mundong ito! kaya dapat maghirap ka rin! wala ka namang silbi! Iniwan pa rin ako ni Agos." Muli niyang tinakpan ang mukha nito at pagkatapos ng ilang saglit ay inalis

