"Maayos ka lang ba?" napalingon siya at nakita niya si Agos na papalapit sa kanya, agad siyang umayos ng tayo at hinarap ito. "Mahal na pinuno--" "Ikaw na ang reyna maari mo akong matawag sa pangalan ko Cecilia. Mas gusto ko na tawagin mo ako sa pangalan ko," sagot nito pagkatapos ay napalingon si Cecilia sa paligid na baka may makarinig sa usapan nila, "Huwag kang umakto na parang hindi nila alam ang namagitan sa ating dalawa." Napabuntong hininga siya, "lumipas ang panahon pero hindi ko naman itinangi sa kanila na may anak tayong dalawa. Alam nila yon, imposible na hindi nila malaman ‘yon." "Ganoon ba?" kung ganon mali pala nag inaakala niya na walang alam ang kunseho sa naging relasyon nila dati. Ang buong akala niya ay hindi na nito ipinaalam pa. "Kamusta ka? maayos ka lang ba?"

