May nakakabingi na tunog na umuugong sa isipan niya, parang nawala lahat ng iyak at boses ng mga tao sa paligid niya at tanging napalitan iyon ng masalimuot na katahimikan. Na sa sobrang tahimik ay wala siyang maramdaman kundi ang sakit sa puso na kanyang nararamdaman, Akala niya hindi na siya masasaktan akala niya wala na yung sakit. Akala niya nakalimot siya pero mas masakit pala ngayon. Dahil nagluluksa siya sa isang bagay na hindi naman naging kanya kahit kailan pero nasasaktan siya, doble, triple ang sakit. Yung napamahal ka na binuhos mo na ang lahat sa kanya, na akala mo sa ‘yo siya--hindi dahil pinaniwala mo ang sarili mo na sayo siya kahit hindi naman talaga. Minahal mo at binawi sayo ng paunti-unti... masakit... sobrang sakit Ngayon pati ang lalaking mahal niya nakikita ni

