Napangiti siya ng maramdaman ang pagalaw ni Cecilia sa tabi niya. Nanatili pa rin na nakapikit ang mga mata niya pero alam niyang gising na ito. Hinapit niya pa si Cecilia ng maramdaman niya ang hininga nito sa may leegan niya. "Gising ka na?" Bulong ni Cecilia kaya mas lalong lumapad ang kanyang mga ngiti. "Alam kong gising ka na Agos." Napangisi pa siya lalo at nilingon ito hindi nga siya nagkakamali dahil ang maamong mukha nito ang agad na bumungad sa kanya. Namamaga pa rin ang mga mata nito dahil sa pag iyak pero tila may nagbago sa itsura nito ngayon. Alam niyang nakatulog ito ng maayos dahil pati rin siya naging mahimbing ang tulog. Papaanong hindi? Eh katabi niya si Cecilia, na kayakap niya ito magdamag "Goodmorning love, sarap ba tulog mo?" Tipid na tumango ito kaya hi

