AURORA NAGMADALI akong pumara ng taxi at nagtungo sa bahay ni Zach. Naabutan ko siya sa kanyang kwarto habang nakahiga at mukhang hinang-hina. Sinalat ko ng palad ko ang leeg at noo niya. My goodness! Ang taas ng lagnat niya. Nang maramdaman niya ang kamay ko ay agad siyang nagmulat ng mata at nagpilit na bumangon. "Wag na Zach! Mahiga ka na lang muna diyan. Kumain ka na ba?" Halos pasigaw kong sabi niya. Umiling lang siya bilang sagot. Ang shunga ko naman! Bakit ko pa tatanungin kong kumain na siya eh obvious namang mag-isa siya dito. "Wait lang ha? Pupunta muna ako sa kusina para ipaglugaw ka. Makakatulong yun sa paggaling mo." "N-nasaan ang kambal?" Halos paos niyang tanong sa akin. "Na kay Mikael. Iniwan ko muna sa kanya para mapuntahan ka dito." Pagkasabi ko no'n ay hindi ko

