AURORA NAISIP ko namang bumisita sa resort nila Steven para dalhan siya ng favorite niyang muffins. Naabutan ko siyang nakaupo at tutok ang mata sa tambak ng papeles sa harap niya. Habang papalapit ako sa kaniya ay nabasa ko ang emosyong nakarehistro sa mukha niya dahil sa magkasalubong niyang kilay at nakakunot niyang noo. "Stressed? Baka naman tumanda ka ng maaga sa sobrang pagkaseryoso mo diyan sa mga papeles. Ano bang kasalanan nila sa'yo?" pabirong bungad ko sa kaniya para gumaan ang mood niya. Napahilot siya sa sentido niya at bahagyang natawa sa akin. "Bakit ka nga pala nandito? May kailangan ka ba?" "Wala naman, pero ito paniguradong kailangan mo," patungkol ko sa dala kong muffins at iniabot sa kaniya. "Wow. Anong mayroon? Parang himala ata na ako ang dinalhan mo ng muffi

