Desaree Alinea's View "Kumusta ang Papa mo, Doc Alinea?" tanong ni Doc Lorenzo habang magkasama kami ngayon sa E. R. Wala kasing masiyadong pasyente kaya may ilang oras kaming nalalaan sa pagtambay o pag-aaral ng mga bagay-bagay tungkol sa mga pasyente namin. Tulad na lamang ngayon na pinag-aaralan ko ang kaso ng isa kong pasyenteng kailangang operahan. Mula sa hawak na file ay tumingin ako kay Doc Lorenzo. Dalawang araw pa lamang mula nang makabalik ako, ngunit napapansin ko na parang nagiging friendly siya masiyado hindi katulad noon. O baka naman nagiging assuming lang ako? "He's fine, Doc. Thank you for asking." kaswal kong tugon sa kaniya na bahagyang naiilang. "You look a lot more different than the first time you came here." puri niya na lalo kong ikinailang. "Sabi nga ni

