ALAS SINGKO Y MEDYA nang magising si Vanessa. Palibhasa’y maaga rin siyang nakatulog kagabi. She stretched her hands and legs before getting out of her bed. Nagtuloy–tuloy siya sa banyo dahil sa tawag ng kalikasan. Nang matapos ay lumabas siya ng silid at inabot ang telepono niya sa sala bago pumasok sa munting komedor ng boarding house niya upang maghanda ng almusal. She saw fifty three missed calls from the same unregistered number last night. At mukhang hindi siya tinantanan ng scammer na ‘yon ah. She checked her SMS nagulat pa siya nang makita ang napakaraming mensahe sa kanya nang nagmamay–ari ng numero at gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya. It was Leon who was calling her last night. Bumilis ang t***k ng puso niya habang inisa–isang basahin ang mga text messages nito sa kanya.
“Honey, it’s me Leon, how are you doing?”
“Where are you?”
“I wanna see you,”
“Pick up your phone, honey,”
“Ness,”
“Hey!”
“Damn it!”
She bit her lower lip as she continued reading his messages.
“I miss you, sweetie,”
Gusto niyang magtatalon sa tuwa sa huling message na nabasa niya. Namimiss daw siya ni Leon? Oh my. She misses him, too. Tuluyan nang kumawala ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Nagtatalo pa ang isip at damdamin niya kung tatawagan ang lalaki o hindi pero nauna nang dumikta ang puso niya. Naka –ilang ring din ang telepono ni Leon bago ito sumagot.
“What the f**k is it?” galit na singhal nito mula sa kabilang linya.
Mag–aalas–tres na yata ng madaling araw nakauwi sa bahay nito si Leon sa isang exclusive subdivision at thirty minutes pa lang ang nakalipas buhat nang dalawin ito ng antok dahil sa matinding prustasyong nadarama. He was at the bar last night having fun with his two buddies surrounded by women. He wanted to bang a p***y last night, but his body wasn’t responding katulad din nang nangyari dito noong nasa Dubai ito. His damn body wasn’t cooperating with him. Puro si Vanessa pa ang laman ng isip nito.
“I—I’m sorry. T–tatawagan na lang kita mamaya,”
aniyang mabilis na pinutol ang tawag. Mukhang tulog pa yata ang lalaki at na–isturbo niya. Nakaramdam siya ng hiya.
Leon opened his eyes when he heard the sweet and lovely voice on the other end of the line, the sweet and lovely voice that had been stalking him for almost two weeks, but the line was already cut off. Natutok ang atensiyon nito sa screen ng telepono. Kasabay ng malutong na pagmumura nito nang mapagtantong si Vanessa ang tumawag.
“Oh damn it! f*****g s**t!”
Bigla itong napabalikwas ng bangon buhat sa pagkakahiga sa kama pagkatapos ay mabilis na tinawagan ang numero ng babae. Magpri–prito na sana si Vanessa ng itlog nang mag–ring ang telepono niya.
“H—hey, sweetie, I—I didn't want to yell at you, Ness, I just didn't expect that you would call me this time,” he stammered. For the very first time in his f*****g history on earth ay naramdaman ni Leon ang pagka–tensiyon na baka babaan na naman ito ng telepono ni Vanessa. That’s another new to him, dati rati naman ay wala itong pakialam kung tawagan man ito ng mga babaeng naka–date, or naka–one night stand nito. But this time he was f*****g worried.
“Pasensiya na naisturbo ko yata ang tulog mo,”
“No…no. It’s all right, honey, you did not. It’s okay, don’t worry about it. Kumusta ka na nga pala?” Sunud–sunod na lintaniya nito. Naging masuyo at malambing din ang tinig.
“Ayos lang ako. Eh, ikaw kumusta ka?”
I’m going insane just thinking about you. That’s what he wanted to say. “I'm great, honey, I just got back yesterday, but I was also really busy for the rest of the day,” he said, totoo naman iyon idagdag pa sa isipan nito ang imahe ni Vanessa na naglalaro sa kamalayan ni Leon sa buong maghapon.
“Did you receive your present?”
“Y-yeah, thank you. But uhm…gusto sana kitang makausap tungkol doon Leon. It’s really beautiful, but I can’t accept it.”
“Honey, it’s just a simple token from me, not a big deal okay? And besides, I promised you that, remember?”
“Sinabi ko naman sa’yo na hindi mo na ako kailangan bilhan ng bago,” aniyang napakagat ng ibabang labi.”
“Ness, honey, I didn’t have a good sleep these following days and I badly need to nod off to bed now. I will call you later and please attend my calls, baby, will you?” malambing na anito.
“S-sige matulog ka na uli,”
“Can I have a sweet night kiss, honey?” Oh damn! Bago rin kay Leon ang maglambing at sabihin iyon sa isang babae. He never ever have done that to anyone. Babae ang nagsasabi n’yon dito. What the f**k is wrong with him?
“It’s quarter to six in the morning,”
“Ness, baby—”
“Call me when you wake up.”
“How about my kiss,”
“Bye, Dr. De Guzman have a sweet dreams.”
Vanessa couldn’t stop herself from smiling, pakiwari niya ay tila siya teen ager sa edad niyang bente tres. Kinikilig siya!
NAGING ABALA ang buong maghapon ni Vanessa at nang mga kapawa niya nurses dahil mahigit sampong pasyente ang inasikaso nila sa ER. Mga pasahero ng jeep na nag–aksidente sa kahabaan ng daan. Gladly, ay wala naman naging malubha sa mga pasyente. Karamihan sa mga ito ay nagtamo ng mga galos at sprains ang iba naman ay trauma pa rin dahil sa aksidente.
It was half past five in the afternoon when she got the chance to have a break. At dahil day time ang duty niya at walong oras lang ay nag–gagayak na rin siya para makauwi nang maulingan niya ang mga katrabaho niyang babae na halos masisigaw at magtatalon sa kilig habang nagku–kuwentuhan sa nurse station. Tila yata may tanyag na celebrity na napadpad sa hospital na pinagtratrabahuan nila at panay ang papuri ng mga ito sa lalaking pinag–uusapan.
Humahangos din na nilapitan siya ni Noraida. Pigil ang sarili na huwag mapatili. Kararating lang nito dahil night shift ito sa gabing ‘yon.
“OMG! Ya rabbi, Mare….!” Impit na tiling anito.
“Bakit?” nagtatakang tanong niya.
Ano ba ang dahilan at nagkakaganito ang mga katarabho niya? Maging ang kaibigan niya na kararating lang ay umaakto ng kakaiba?
“Ang pogi!”
“Huh?”
“Ang guwapo niya!”
“Guwapo? Sino? Para naman ngayon ka lang naka–kita ng guwapo.”
“Iba ito, Mare. Subrang guwapo! Makalaglag undies!”
“Nakita mo rin, Raidz?” Boses iyon ni Nina. Isa sa mga katrabaho nila na halos tumirik ang mga mata sa kilig.
“Yes!” Kilig na kilig na sagot ni Raidz.
“He’s so macho,” dagdag pa ng katabi nito.
“Tall and hunk!” dugtong ng isa.
“And hot!” Sang ayon naman ng isa pa.
“Ang t’back go ladies, nalaglag na yata!” Halos Himatayin sa kilig na turan ni Nina.
“Gusto kong pumils for one night stand mga bakla!”
Sabay na nagsitawanan ang mga katrabaho niya kabilang na roon si Raidz. Si Vanessa ay nagtataka at nako–curious na napangiti na lamang sa inaasal ng mga kasamahan.
“I’ve heard, siya iyong Doctor na ni–request ni Madame, Agatha na mag–oopera don sa anak ni Gov na isinugod dito noong isang araw.” si Nina ang nagsalita na ang tinutukoy ay si Mrs. Agatha Valdemore, ang may–ari ng hospital.
“Iyong nahulog ba sa kabayo at nagkaroon spinal injury at kailangan operahan?”
“Yes,” ang katabing nurse ang sumagot.
“He’s so young to be a Doctor,” si Raidz.
“Hindi lang ‘yan , ladies. Sikat din ang guwapong doctor na ‘yon dahil isa siya sa pinakamagaling na orthopedic surgeon sa Pilipinas at sa ibang bansa.” Humahangang pahayag pa ni Nina.
“At binata siya! Never been married!”
Impit na nagsitilihan ang mga kasama niya. Si Vanessa ay napailing–iling na lamang. Kung kiligin naman kasi ang dalawang kasamahan niya at parang walang mga asawa.
Nakangiting tumalikod siya sa mga ito saka inabot niya ang hand sanitizer to sterilize her hands. Nagtaka pa siya at tumigl sa pagsasalita ang mga kayrabaho niya. Hindi na rin nagtitili ang mga ito. But she ignored them. Kailangan na rin niyang umalis dahil tapos na ang duty niya.
“See you tomorrow, ladies.” aniya pero walang nakuhang pagtuhon buhat sa mga ito. Maging si Raidz ay hindi na rin umimik.
“Hi, ladies,”
“Hello po, Doc.” Halos magkapanabay na sagot ng mga kasamahan niya.
“Ladies, meet Dr. LM De Guzman. He is an Orthopedic and spine surgeon. Ni–rekomenda siya ng presidente ng hospital na ito para mag–opera sa anak ni Gov.” pakilala rito ni Dr. Cameron.
“Hi Doc, LM.”thy greeted him simultaneously.
“Ang pogi!”
“Bughaw ang mga mata!”
“Mas magandang lalaki sa malapitan!”
“Ang tangos ng ilong!” ang sabi ng mga katrabaho niya. Iniisip siguro ng mga ito na hindi ito marunong magsalita ng lenguwaheng filipino.
“Thank you, ladies.” Nakangiting sagot ni Leon at halos magtitili sa kilig ang mga nurses, pero ang mga mata ay partikular na nakatitig sa babaeng nakatalikod na tila may ginagawa. Isa–isang nagpakilala ang mga kasamahan niya
maliban sa kanya.
“The pleasure is mine to meet you all lovely, ladies.” ani Leon na kumindat pa.
Bigla ang pagsipa ng kaba sa dibdib ni Vanessa nang marinig ang pamilyar na masculine voice na iyon. Nakailang lagay na rin siya ng hand sanitizer sa kamay niya dahil sa biglaang pagdagundong ng dibdib niya.
“Are you going home, honey?”
Her heart beats so fast in an instant as she heard his masculine voice again. Siya ba ang tinanong nito? Narinig din niya ang halos magkapanabay na pagsinghap ng mga kasamahan niya sa nurse station. Hindi niya gustong lumingon dahil nahihiya siya. Ginagamitan na naman kasi siya nito ng endearment, pero hindi rin niya gustong maging rude rito sa harapan ng ibang tao, lalo pa’t kasama nito si Doctor Cameron.
“D—Dr. De Guzman. Kumusta? And yes, I’m heading home,”
So, it was him whom they were talking about. No wonder kung bakit tila hihimatayin na sa kilig ang mga katrabaho niya. Sabay–sabay na napatingin sa kanya ang mga katrabaho niya. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkagulat kung bakit magkakilala sila ng Doctor na pinag–uusapan ng mga ito kani–kanina lang. Nasa mga mata rin ng mga ito ang malaking question mark, as if she owe them an explaination.
“I’m pleasantly fine, Ness.”
“Good, sige. Mauuna na ako,”
“Ihahatid na kita,”
“No thank you, you don’t have to. Sige guys. See you
all tomorrow.” aniyang nagmamadaling umalis sa nurse station.
“I gotta go, too, Dr. Cameron.” Nakipag kamay ito kay Dr. Cameron bago tumngin sa mga nars sa loob ng nurse station na halos hindi magawang pumikit. “’ll see you all tomorrow, ladies,” matamis na ngiti ang ibinigay nito sa mga nurses bago ito umalis.
Si Vanessa ay nagmamadaling lumabas ng hospital upang makalayo kay Leon. Ang bilis–bilis kasi ng t***k ng puso niya. Oh god, she misses the man so damn much. Pero siyempre pa hindi niya ‘yon puwedeng ipahalata rito ang damdamin niya. Lalong hindi siya puwedeng kiligin sa harapan ni Leon.
“Ness, honey, wait for me?”
Tumigil siya sa paghakbang pero hindi niya nilingon ang binatang Doctor.
“I’m glad, at naabutan pa kita rito,” sabi nito na humaramg sa harapan niya. “I’ve called you, honey, hindi mo na naman sinasagot ang tawag ko,” may pagdaramdam sa himig ng boses nito.
“Pasensiya ka na Dr. De Guzman. Naging abala ako today, eh.” Nahihiyang pag–amin niya.
Totoo naman iyon. Sa dami ng pasyente nila ngayong araw ay nakaligtaan na rin niyang mag–break at kumain ng tanghalian. Hindi rin niya gustong pag–isipan siya ni Leon na binabalewala niya ito. Because honestly speaking she was not ignoring him. Why would she?
“You’re forgiven this time, honey, dahil nakita kitang abala sa pag–aasekaso ng mga pasyente,”
Tiningala niya ito. “Kanina ka pa ba rito?”
“Yes, in fact, alas dos pa ako ng hapon dumating dito. I have talked to tita Agatha in her office bago ko pinuntahan ang pasyente ko,”
“Akala ko ba ay sa Dubai ka nagtratrabaho,”
“I was only there for business, honey,”
“Hindi ko alam na magtratrabaho ka na rin pala rito,”
“Oh, trust me, sweetheart, I don't. I'm a locum tenens doctor, and Tita Agatha has asked me to see one patient. Iyong anak ni Gov. Who requires back surgery, and I hope you won't get tired of seeing me for the next few days.
“I see” Tipid niyang sagot na nilampasan ito.
She had heard about locum doctors and how much more money they made than normal doctors, but those doesn’t matter to her. Sa halip masaya siyang muling makita ang lalaki at makikita pa niya ito sa susunod na mga araw.
“Ihahatid na kita sainyo,”
“ No thank you, magta–taxi na lang ako,”
“You're already exhausted, baby, let me take you home. And besides, uulan ngayong gabi ayon sa balita at ayokong abutan ka ng ulan sa labas,”
Makulit si Leon at may palagay na siyang hindi siya nito tatantanan hanggat hindi siya pumapayag. Isa pa’y narinig din niya sa radyo na malakas ang ulan ngayong gabi at baka abutin pa siya ng ulan sa paghihintay ng taxi sa labas.
“Sige, kung hindi rin kaabalahan sa’yo.”
“Great!” Tuwang–tuwang sagot nito.
Katulad nang dati ay ipinagbukas siya nito ng pinto ng mamahalin nitong sport car.
“I can do it,” aniya nang akmang ikakabit nito ang set belt niya. Matamis itong ngumiyi sa kanya saka umikot ito sa harap ng kotse pagkatapos ay sumakay sa driver seat at pinaandar ang ignition ng sasakyan.
“Why don't we have an early dinner first before I take you home, hun?”
“Eh, kung sa boarding house mo na lang kaya ako, ihatid? D–doon ka na rin maghapunan. Magluluto ako,”
“You meant, ipagluluto mo ako, baby?” Nangislap ang mga matang tanong nito sa kanya na matamang nakatitig sa maganda niyang mukha.
“I—I’m not a good cook, but yes. Magluluto ako ng dinner natin, tutal ay maaga pa naman. Iyon ay kung wala kang pupuntahan. ” aniyang ibinaling ang paningin sa kahabaan ng daan tinatahak nila, lalo kasing bumibilis ang t***k ng puso niya sa mga titig ni Leon.
At kung bakit din niya nasabi iyon ay hindi niya alam. Pero siguro ay dahil pasasalamat na rin niya rito sa pagtulong nito sa kanya noong nasa Dubai siya. Isa pa’y nais din niyang isauli ang camera na binigay nito sa kanya. Sinabi niya niya kay Leon ang address ng boarding house na tinutuluyan niya.
“I guess I’m lucky today, and no, honey, wala akong pupuntahan, ” anitong malapad ang pagkakangiti.
Nginitian niya ito bilang pagtugon.
“Is there anything specific you'd like us to get at the grocery before we head home?”
Umiling siya. “May mga rekado pa naman sa ref,” sagot na aniya.
Maya–maya pa’y kumalat na ang ma maitim na mga ulap sa kalangitan hindi rin nagtagal ay bumagsak ang malakas na ulan na sinabayan ng naghihimagsik na kidlat at kulog. Napasinghap pa si Vanessa sa pagkagulat nang dahil doon.
Kaagad na napatingin sa gawi niya si Leon. Mabilis na kinapa ang palad niya at marahang pinisil. “It’s all right, honey, that thing in the sky won’t hurt you, ihaharang ko ang sarili ko kung mangyayari man ‘yon,” he said staring deep into her eyes.
“Sira,” natawang tugon niya.
Pasimpleng binawi ang palad buhat sa pagkakahawak doon ni Leon dahil pakiwari niya ay tila may gumapang na kuryente mula roon na mabilis kumalat sa himaymay niya. At kahit siguro biro lamang ang tinuran ng lalaki ay nararamdaman niya ang senseridad sa mga sinabi nito.
Would he really protect her from the lighting kung sakaling tamaan siya n’yon?
Oh my goodness! Never in her wild imagination na matamaan ng kidlat! D’yos ko!
At dahil malapit lamang ang boarding house na tinutuluyan niya mula sa pinagtratrabahuan niya ay mabilis rin silang nakarating doon. Leon took his coat from the back seat of the car at ginawa iyong pananggalang sa ulan habang papasok sila sa gate.
Kaagd na binuksan ni Vanessa ang pinto ng tirahan niya at inanlalayahang makapasok ang binata. Bagamat maliit iyon ay malinis, at maayos ang mga kagamitan sa sala.
“Maupo ka muna, ikukuha kita ng towel para makapagpunas ka,” aniya rito napasa kasi si Leon dahil halos sa kanya lang nito ipinagamit ang coat nito.
“Sige,”
Mabilis siyang pumasok sa kanyang silid upang kumuha ng tuwalya. “Here,” inabot niya kay Leon ang white towel. “G–gusto mo ba ng mainit na tsaa o kape?” Pagkuwan tanong na aniya.
No. I would like to f**k you, right now. “ Oh sure, honey. Coffee without sugar, please,” may ngiti sa labing sagot nito.
“Okay,”
Pumasok siya sa maliit na komedor upang ipagtimpla ng kape si Leon. Pagbalik niya sa sala ay dala–dala na niya ang tasa ng kape nito.
“Thank you, honey,”
Ngumiti siya rito. “Magbibihis lang ako sandali pagkatapos ay magluluto na ako ng hapunan natin. Kung gusto mong manood ng Telebisyon please, don’t hesitate. Feel at home ka lang,” aniya.
“I will, sweetie.” Leon smiled. But I would like to come with you inside your room and watch you while you’re taking off your clothes.
Pagpasok ni Vanessa sa sariling silid ay doon pa lamang siya tila nakahinga ng maayos. Kung bakit kasi kailangan pumintig ng mabilis ng puso niya sa presensiya ng binata. Hindi rin niya maiwasan huwag mapangiti sa kasiyahang nadarama dahil nasa boarding house niya ngayon si Leon. Buong akala kasi niya ay hindi na niya ito muling makikita at masisilayan kailanman. At kung bakit kailangan niyang makaramdam ng nerybiyos sa tuwing nasa tabi niya ito. But a part of her felt relieved that they would be eating dinner together again and that she would be the one to prepare their meals. May idea na rin siya kung ano ang lulutuin niya para sa guwapong bisita niya.
She bit her lower lip to suppress the romantic excitement that already filled her whole being. Pero kaagad din niyang sinaway ang ang sarili. May dalawang dahilan siya kung bakit naririto sa tahanan niya ang lalaki at kung bakit niya ito inalok na maghapunan kasama siya. “Una ay upang magpasalamat siya rito dahil sa pagtulong nito sa kanya noong nasa Dubai siya. Ikalawa ay upang isauli ang regalo nitong camera. Wala ng iba!” sabi niya sa sarili upang pagtakpan ang damdaming pinupukaw ng lalaki.
She shook her head as she opened her closet to get clothes to change. Ang sunod niyang ginawa ay nagmamadali siyang pumasok sa loob ng banyo at inamoy–amoy ang sarili. Hindi naman siya amoy pawis, at wala rin siyang putok. Ehw! Pero naghalf bath pa rin siya upang makapaglinis. Hindi niya gustong maamoy siya ni Leon at ma–turn off ito sa kanya. Mamaya na siya maliligo ng bongga pagkatapos niyang magluto dahil tiyak na mangangamoy ulam din siya mamaya.