/// POV's ///
//Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko ngayong araw, dahil ba alam ko uuwi si Ms. Dianne mula sa America o dahil hindi ko alam kung kasama na nya uuwi si Matthew o hindi? Sa loob ng 3 buwan mula ng magising si Matthew at pumunta si Ms. Dianne sa America para siguraduhin ang kundisyon ni Matthew ay mangilang beses ko lang nalaman ang status ng recovery ni Matt. Dahil nararamdaman kong tila iwas sa mga tanong ko si Ms. Dianne, hanggang sa nahalata kong si Matthew talaga ang gustong umiwas sakin, kaya naman nagdesisyon na akong wag na ulit magtanong at mag antay nalang kung babalitaan ba nila ako o hindi. At sa nagdaang mga buwan nga ay wala ng naging update, kaya naman hindi ko na din sinubukang magtanong pa muli.//
Hello dear! Kamusta ka na? Alam mo namiss kita at may mga pasalubong ako sa inyo ni Jona. Masayang bungad ko kay Scarlet at Jona na kararating lang mula sa store. Hindi nila alam na dumarecho na ako sa apartment mula sa airport pagbaba ko ngayong araw.
Ma'am Dianne!!!! Kamusta po kayo? Dumarecho na po pala kayo dito, hindi manlang po kayo nagsabi, sana po ay nauna na akong umuwi kanina para naipagluto ko po kayo. Nagulat at natuwa kame ni Jona pag-pasok sa apartment dahil nakauwi na si Ms. Dianne. Excited naman ako sa pagbalik ni ma'am, pero gusto ko din sana alamin kung kasama nya si Matthew o kung ano na kundisyon nya. Pero wala akong lakas ng loob tanungin si Ms. Dianne.
Grabe ma'am ang dami mong pasalubong samin!! Iba talaga girl kapag galing abroad, iba ung amoy ng mga gamit. At ang chocolates girl, sure ako masasarap lahat ito!! Sure ka ba ma'am na para samin lahat ito? Halos isang buong maleta ma'am samin mo lang yan ibibigay? Ay ma'am kamusta nga po pala si Sir Matthew?! Alam kong hindi magawang magtaong ni Scarlet kay ma'am Dianne. Kaya bukod sa sobrang excited ko talaga sa mga pasalubong ay ginamit ko itong dahilan at ginamit ko ang aking kwelang tono para maisingit ang pangangamusta kay Sir. Matthew!
Ah maayos naman sya, at hindi ko sya kasabay umuwi. Alam nyo naman na marami syang trabaho na hindi nagawang harapin noong panahong nakaratay sya sa ospital. At may mga meetings din sya na naka schedule doon kaya napagpasyahan namin na sya na muna ang bahala humarap doon at ayusin ang mga naging problema noong wala sya. At medyo matatagalan pa bago siya makabalik dito sa Pilipinas. Nakita kong nalungkot ang mukha ni Scarlet. Eto lang kasi ang naisip kong dahilan para mapagtakpan si Matthew. Sabagay may mga business din talaga na kailangan harapin si Matthew sa America. Ang hindi ko lang maamin ay kung anong tunay na kundisyon niya.
Ganun po ba? Ang mahalaga po ay maayos na siya, at kaya na niya ulit magtrabaho. Sige po ma'am, Jona ikaw na muna bahala dyan at papasok na ako sa kwarto para magpalit ng damit. Maraming salamat po ma'am sa mga pasalubong ninyo sa amin. Masaya naman talaga akong malaman na normal ng nakabalik sa trabaho si Matthew. Siguro ay nahihirapan lang ako tanggapin na hanggang sa ganun nalang natapos ang friendship namin. Hangad ko lang naman ay kaligtasan niya, okay na din at nabawasan ang kargo de kunsensya ko. Siguro nga ay narealize niya na kung hindi dahil sakin ay hindi siya naaksidente. Kaya hindi na din niya siguro kayang makita pa ako. Okay na din ito at ayos na din na naging magkaibigan kame kahit sa maigsing panahon lang. At walang malalim na relasyon kame na pinagsamahan.
------------
Ma'am Dianne, ano po bang problema ni Sir Matthew? Alam n'yo po, ganyan na si Scarlet simula ng hindi n'ya nakausap si Sir Matthew. Nawala na ang sigla at ngiti nya, kunpara noong unang araw na nakausap nya si Sir mula sa pagkakahimbing nya sa ospital. At minsan ay nag-aalala na din po talaga ako sa bestfriend ko. Kung hindi sya sa magpapakapagod s trabaho ay tutok siya sa mga libro. At kung minsan pati po ang day off nya nagpapakabusy nalang sya dito imbes na umuwi sa pamilya nya. Siguro po ay natatakot syang mahalata ng parents niya na may pinagdadaanan siya. Wala na po ba paraan para makausap nya si Sir Matthew? Halos pabulong ko kinausap si ma'am Dianne dahil baka madinig ako ni Scarlet mula sa kwarto namin.
Jona, gusto man kita sagutin ay mas mabuti ng wala akong masabi sa ngayon. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Siguro ay maging maayos lang ang lahat kay Matthew ay mapagbibigyan din silang dalawa ng tadhana na ayusin din ang relasyon nila, bilang magkaibigan man yun o bilang nagmamahalan sila. Gustong gusto ko na talaga sabihin ang dahilan, dahil iniisip ko na kung malaman ni Scarlet ang totoo ay mauunawaan nya si Matthew at gagawa sya ng paraan para mag-reach out kay Matthew. At posible din na si Scarlet din ang maging motivation ni Matthew to recover much faster. But I can't dahil nangako akong wala akong sasabihin kay Scarlet tungkol sa kundisyon nya.
Siguro nga po ma'am tama kayo, hayaan nalang natin ang tadhana ang magtakda sa kanilang dalawa. Masakit man sakin bilang bestfriend po ni Scarlet. Siguro ay may dahilan din si Sir Matthew. Pero sana po kung ano man po ang dahilan niya ay binigyan niya din ng dahilan si Scarlet para nakapag move on at hindi naiwang naka-hang sa kawalan. I don't think ma'am na desrve ni Scarlet ang pinagdadaanan niya mag-isa, sana po maisip ni Sir yun. Concern lang po ako sa kaibigan ko ma'am. Sige po ma'am maraming salamat po ulit sa mga pasalubong at isasabay ko na po ito sa pag-pasok sa kwarto. Nag-aalala talaga ako sa bestfriend ko, pero di ko lang din maiwasang matuwa sa mga pasalubong ni ma'am Dianne. hahaha...
// Lumipas pa ang ilang buwan ay nasaksihan ko ang araw araw na sitwasyon ni Scarlet. Ako man ay naaawa sa kanya. Ngunit priority ko pa din si Matthew at kailangan ko protektahan ang imahe nya at maiwasan din mabalita sa publiko na ang anak ng dating Chairman na ngayon ay tagapagmana na ng Andrada group of Companies ay paralisado dahil sa aksidente. Kahit sa mga meeting sa company ay may kumakatawan pa ding abugado para sa kanya, tulad nang dati naming setting. At ang nagigig dahilan lang ay ang kanyang pa-aaral. Kaya naman kahit kay Scarlet ay hindi ko magawang sabihin ang totoo at iniisip ko nalang na may tamang panahon para malaman nila na pareho silang dumanas ng hirap at sakripisyo.//
Ring ring ring!!
Hello Ms. Dianne!?!
Yes hello Mr. Andrada!
I just need to inform you that I'll be in Manila by Sunday night. It's 2 days from now, right? Stephanie will come with me, and she will be handling some works from the company. And please don't let anyone to know that she is my personal nurse. Thats all for now and lets have our new business plan soon. See you in a few days!
Copy Sir! See you soon! wala na akong nasagot, dahil matapos ang mahigit 3 taon mula ng naratay si Matthew sa ospital ay bigla siyang nagdesisyong umuwi. Hindi ko inaasahan ngunit ano kaya ang plano ng batang iyon!? Napapaisip man at nag-aalala ako sa posible nilang pagkikita ni Scarlet ay wala naman akong choice kundi abangan ang maaring mangyari at sumunod lang din sa maipaguutos nya. Bilang isa lang naman talaga ako sa employee ng kumpanya nila.
//Si Scarlet at Jona ay graduate na ng college at maluwag nilang tinanggap ang trabaho na inalok ko. pero hindi na sila sa store nagtatrabaho. Kundi sa isang kumpanya na pag-aari din ng Andrada. At sa kasalukuyan ay magkakasama pa din kameng nakatira sa apartment ko. Nag insist naman sila na aalis na noong nakagraduate sila ni Jona. Ngunit sinabi ko na wag na muna silang umalis habang hindi pa sila nakakaipon para makakuha ng sarili nilang apartment unit. At agad din naman sumangayon si Scarlet na kinatuwa naman ni Jona. At pakiramdam ko talaga kahit na hindi nagtatanong si Scarlet ay inaantay pa rin nya ang pagbalik ni Matthew. Marahil kahit nahihiya na siya na tumira sa apartment ko, ay si Matthew pa din ang dahilan kaya siya nanatili sa unit ko.//
-----------
// Ang totoo ay kinakabahan ako sa aking pag-babalik sa Manila. At excited din ako makita si Scarlet at makasama siya. Pero alam kong hindi ganun kadali ang magiging pagkikita namin , lalo na at ako ang dahilan at ako ang kusang umiwas sa kanya, dahil natatakot ako na baka iwanan niya din talaga ako kung mapaman niyang isa akong pabigat at alagain dahil sa pagiging paralisado ko. Pero ngayon na nakabalik ako sa normal kong buhay, nakakalakad at nakakapagtrabaho na ulit ako. Gagawin ko ang lahat para maayos ko ang relasyon namin ni Scarlet.//
Welcome back Mr. Andrada!! eto ang bati ko kay Matthew pag-labas nila ng airport, dahil ako mismo ang sumundo sa kanila ni Stephanie.
Tita Dianne!! ganyan mo ba ako iwewelcome? You're too formal tita. I missed you! how's Marco? Excited na akong makasama ulit ang kapatid ko. Alam kong may sama ng loob si Ms. Dianne sakin, kaya naman binati ko sya bilang tita ko at hindi ako nagpaka pormal katulad nya. Alam ko namang mabilis lang siyang amuin, kailangan lang ng konting lambing. At hindi naman ako nagkamali dahil, pagyapos ko palang sa kanya ay umagos na ang luha niya, at alam kong masaya syang makita ko.
Galit ako sayo Matthew!! Galit ako sayong bata ka!! Bakit hindi mo sinabi sakin na maayos ka na ulit at normal ng nakakalakad!?! Galit ako sayo talaga! Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sayo araw araw, tapos hindi mo ako sinabihan na maayos ka na!! Halos pasigaw kong sinumbatan si Matthew at di ko maiwasang hatawin sya ng hatawin. Ngunit tila pinagtatawanan nya lang ako.
It's a surprised!! And you really looked surpised!! hahaha.. Okay I am sorry Tita, gusto ko lang talaga makita kung gaano ka kasaya kapag nakita mo akong nakakalakad na muli. But I still need to watched my daily exercise routine and I still have to continue my therapy. Kaya kasama ko pa din si Stephanie dito. Dahil ayoko ng kumuha ng bagong nurse to take care of my schedule sa doktor at therapy ko. Anyways can we continue our kwentuhan sa bahay? Let's go??
San ka uuwi? Sa apartment unit mo o sa mansion? And I papasundo ko nalang din si Marco from his school tomorrow. Alam ko naman na sa mansion siya dederecho, but I still want to see his reaction if tatanungin ko kung uuwi sya sa apartment. Dahil hindi man nya ako tinatanong tungkol kay Scarlet ay nagrereport pa din ako through emails. Kaya updated sya sa lahat ng ginagawa ni Scarlet.
Sa Mansion ako dederecho Ms. Dianne and please pkisundo si Marco. Gusto ko na siya makita and magpahanda ka sa mansion para sabay sabay tayo mag-dinner bukas. gusto ko makasalo kumain si Marco. For tonight siguro ay magpapahinga na muna ako. At ung mga maleta na dala ko, pasalubong ko yun sa inyo ni Marco. Thank you so much Ms. Dianne for taking good care of Marco. Kung wala ka ay siguradong napabayaan ko na si Marco. We're really blessed to have you Ms. Dianne.
//Ms. Dianne is intentionally mentioned the apartment building. Dahil dun pa din umuuwi si Scarlet. Gustung gusto ko na sya makita, pero kailangan ko magpigil dahil ayaw ko din naman magkabiglaan kame. Dahil hindi ko pa din talaga alam kung paano ko sya haharapin. At sana naman ay maging maayos kame kaagad, dahil gusto ko na sabihin ang gusto kong sasabihin sa kanya bago ako naaksidente.//