/// Scarlet's POV///
Jona, may aasikasuhin lang ako sa office ni Ma'am Dianne. Hindi kasi sya nakapasok today dahil importante s'yang inaasikaso, at mawawala s'ya ng ilang araw. Kaya may mga ibinilin s'ya na trabaho na kailangan ko harapin pansamantala. Okay ka lang naman dya di ba? Yung mga itinuro ko sayo alam ko namang napakasimple lang at kayang kaya mo na. Kaya papasok lang muna ako sa loob.
Jano: Okay sige girl, akong bahala dito at tapusin mo ang pinatatrabaho sayo ni ma'am. Thank you ulit sayo girl sa tulong mo at may trabaho na ako ngayon. iloveyou girl! (sabay kindat)
(tipid naman akong ngumiti) Walang anuman girl, sino pa bang magtutulungan..
-------
//Binuksan ko ang laptop ni ma'am Dianne at ipinasok ang password na ibinigay nya. At hinanap ko ang lahat ng files na ibinilin nya na icompile ko sa isang folder at i-save sa isang flashdrive memory. //
Ano kayang nangyayari? Bakit biglaan ang leave of absence ni ma'am? At bakit ko kailangan itago ang kopya ng lahat ng files na ito? Naguguluhan na talaga ako. May problema kayang mabigat? di ko maunawaan ang nararamdaman ko ngayong araw na ito. Una si Matthew after kame ihatid noong sabado at hindi na nagparamdam. Ngayon naman si ma'am Dianne na hindi pumasok at tila balisa pa nang makausap ko. Huwag naman sanang may masamang nangyari.
//Ano ba naman itong naiisip ko?! wala naman siguro at dapat lang na wala! Baka may importante lang silang kailangang asikasuhin. Tama ganun nga malmang ang dahilan. Kaya Scarlet wag ka mag-isip ng negatibo, hindi ka pa nakakarecover sa nangyari sa daddy. (ganito ko kinausap ang sarili ko//
Scarlet's File?? nakakatuwa naman si ma'am at nakahiwalay sa isang folder ang files ko. Wala naman siguro masama kung tingnan ko, kontrata ko lang naman siguro ito na pinirmahan. at kopya ng requirements na ipinasa ko. basahin ko nga ulit ang employment contract ko, hehehe.. Ma'am titingnan ko lang po saglit please. (Paalam ko sa isip ko)
Ano itong report na ito? weekly report? (kinabahan ako bigla) bakit may ganitong files dito? Para saan kaya ito? (napaisip ako ng malalim at gusto ko man buksan ang files ay di ko magawa. natatakot ako sa kung anong posible kong mabasa. nagtatalo ang isip at daliri ko na tila gusto ng pumindot para buksan ang files sa folder na nakapangalan sakin.
ENTER!! (Sabay pikit)
Ano ito? To. Mr. Andrada? Bakit kailangan ireport ni Ma'am Dianne ang lahat ng ginagawa ko sa boss namin? (nakakagulat ang mga nabasa ko) MATTHEW ANDRADA?!? Si Matthew ang boss namin? Paanong nangyari yun? Ang bata pa din nya, paanong sya ang naging boss namin? Estudyate pa lang din naman sya! Ano to?!?
RING! RING!
(nagulat ako ng mag-ring ang cell phone ko) Si ma'am Dianne!
Hello po ma'am (at medyo nanginginig pa nga akong sumagot)
Manager: Scarlet dear, I know you're shocked right now but I hope you listen to me first. I can explain and I really need you now.
Ano pong ibig sabihin n'yo? Paano pong kailangan nyo ako?
Manager: Scarlet, alam kong nabuksan mo na ang folder sa laptop ko na nakapangalan sayo. But please don't get me wrong. I only did that for Matthew. And gusto kong pagusapan natin yan ng personal. May kailangan ka malaman at sasabihin ko sayo ang lahat pag-balik ko.
Okay po ma'am. Saan po kayo pupunta? may emergency po ba? Ano po bang tulong ang magagawa ko para po sa inyo?
Manager: Thank you dear! Mag-flight ako tomorrow going to US, I'll be gone for 2weeks or in a month. I can't tell the exact time that I will back. Please do me a favor.. Ikaw muna ang bahala sa pag-manage sa store. I already give instructions to other employees at alam nilang ikaw ang tatayong manager ng store temporarily. Don't worry because I can still in touch with you and I will call you from time to time.
Ma'am hindi ko po alam kung kakayanin ko, but gagawin ko po ang makakaya ko bilang kapalit ng lahat ng tulong na ginawa nyo sakin at sa malaking tiwalang binigay nyo sa akin ngayon. magiingat po kayo at sana po makabalik kayo ng mas mabilis. Salamat po..
Manager: Thank you Scarlet! And about Matthew, sana maunawaan mo ako. At kung sa palagay mo mali ang nagawa ko sayo. Sana mapatawad mo pa din ako. See you nalang once I get back.
Okay po ma'am. Mag-iingat po kayo at kung ano man po ang problema nyo ay maging maayos din ang lahat. Have a safe flight po.
---------
Naguguluhan pa din ang isip ko ngayon, pero siguro may magandang dahilan naman si ma'am Dianne. Isa pa nag-aalala ako sa kanya, tila may mabigat syang problema na hindi nya lang masabi. Sana maging maayos ang lahat.
Jona: Knock knock! Girl, 8PM na, wala ka bang plano magdinner? sobrang workahoolic mo naman!
Ha? Ang bilis ng oras at hindi ko na namalayan, cge lalabas na ako at sabay na tayo kumain.
Jona: Girl, sino bang tinatanaw mo? nangangalay na din ang leeg ko sa ginagawa mo. Ano ba kasing problema? Hello??? Anong silbi ng friendship natin kung hindi mo naman maipagkatiwala sakin ang problema mo, kung meron man ha?!?
Si MAtthew kasi simula ng ihatid tayo noong sabado, hindi na sya tumawag o text manlang hanggang ngayon. Naalala mo sinabi nya na pupunta sya today at sabay kame magdinner, Never nya pa ginawang indianin ako sa usapan, at kahit di ako sumangayon dadatig pa din sya. Nag-aalala na kasi ako.
Jona: Really? As in never since last time na magkakasama tayo? Baka may nangyari girl?
Huwag ka naman magsalita ng ganyan Jona, nag-aalala na nga ako. Pero iniisip ko nalang na may importante siguro syang inaasikaso. Ang sakin lang sana kahit text makatanggap ako mula sa kanya.
Jona: Sorry girl, alam mo naman may pagkataklesa ako madalas. Bala nga may importante lang syang inaasikaso. Huwag ka na mag-alala at sure akong tatawag din yun. Baka nabwelo lang kasi mukang hihingiin na nya ang mga kamay mo sa Parents mo sa base sa pagkakasalita nya last saturday bago sila umuwi ni Gerald. Ayyyiiieee!!! Ikaw ba girl anong status ni Matthew sayo?
Tumahimik ka nga dyan! hindi pa nga kame magboyfriend, anong hihingiin ang kamay ko? ang OA mo ha? Huh! (may ngiting kumawala sa akin)
Jona: Ay hala! kinikilig ka girl? Nag-aalala lang kanina oh, tapos ayan di mapigil ang kilig! Mahal mo na girl? Aminin!!!
Hindi nho? Hindi ko afford makipagrelasyon ngayon, at masaya ako sa friendship namin. At sa kung ano man ginagawa namin bilang magkaibigan, gusto kong manatili muna kame sa gnun.
Jona: Maria Clara ikaw ba yan?! Girl, kung isang Matthew Andrada ang magiging kaibigan ko? Aba ako na ang gagawa ng moves para mahulog sya sa mga palad ko! bwuahahahaha..
Grabe ka naman girl! Sabagay hindi naman kita masisisi. Pero para sakin, okay na munang magkaibigan lang kame. Masaya akong nagkakasundo kame at walang dahilan para may mapagawayan. di katulad ng may malalim na relasyon, kadalasan nakikita ko nagaaway dahil sa mga kung anu anong selosan lang.
Jona: Actually may punto ka naman girl. Pero kung aalukin ka ni Matthew girl sagutin mo na, at sapat na ung naging friendship nyo para mag level up. Inspiration lang ba! Lalo ka gaganahan mag-aral girl at di ka na guguluhin ng mga pasaway na Boys sa school.
Let see! Pero huwag mo babanggitin kay Matthew ang tungkol kay Jessie na nangungulit pa din, iniiwasan ko talagang malaman nya, dahil ayokong napapaaway si Matthew dahil sakin.
-----------
Jona, nalimutan ko pala banggitin sayo. Sa apartment ka muna tumuloy habang wala si ma'am Dianne. Yun ang ibinilin nya kanina sakin, para may makasama na din daw ako habang wala sya. Kasi pupunta sya ng US at bukas na ang flight nya. Tamang tama at bedspace plng naman ang nahanap mo, db? at need mo mag pay daily. So pansamantala makakalibre ka pa girl, at pagbalik ni ma'am saka nalang tayo maghanap ng maayos na dormitory na mauuwian mo. okay lang ba sayo?
Jona: Don't bother to ask girl! Sobrang okay sakin at makakatira ako sa magarang apartment. Alam mo girl ikaw talaga ang guardian angel ko eh. Kapag kasama kita marami ding magandang nangyayari sa buhay ko! Excited na tuloy akong umuwi.
Ikaw talaga girl! Kung Wala ka sa harapan ko ngayon, paano ko kaya maitatawid ang araw na ito?!? Thank you girl sa palaging pag-papagaan ng kalooban ko, tuwing kailangang kailangan ko. iloveyou girl!
Jona: And iloveyou more girl! Mas marami kang naitutulong sakin. And the least I can do ay ang mapatawa ka sa mga panahong, nalulukot at nasisira ang maganda mong mukha! kaya kapag kailangan mo ng magpapatawa sayo, alam mo na girl. Just look for your semi-beautiful friend, hahahaha...
Oo na ang thank you! Andyan na si Jerome. Pag labas nya ay magayos ka na ng gamit mo, magpapa-alam lag din ako at ibibilin ko lang din lahat ng ibinilin ni ma'am Dianne sakin para kay Sir Jerome.
//////////