Chapter 7 hike

2020 Words
Theo Nang makarating kami sa lugar Kung saan mag ha hike Kaagad kami sinalubong ng mga guide Hindi lang pala kami ang mag ha hike grupo grupo pala ito. “Good morning sir Apollo” bati ng isang lalaki kay Apollo. “Pareho pA din ba ng dati bunutan pa din ba Kung saang grupo kami ma pupunta?” Tanong ni Apollo. “Opo sir” mabilis na Sagot nung guide. “Theo.. Coco si kuya Manuel at ang team niya ang guide natin sa pag ha hike para Hindi tayo maligaw” binati naman namin agad sila kuya Manuel. Mayamaya lang nag bunutan na ng number. May tatlong grupo bawat grupo daw ay iba ang path na dadaanan pero lahat isa Lang ang lugar na lalabasan. “Pag nabunot ang number 1 doon ka sa group number one.. pag 2 group two pag 3 group 3 ka” paliwanag ni kuya Manuel. Isa isa na kaming bumunot ng number. Si Apollo nakuha number 1 ako naman number 2 si Coco-ling number 2 din. “Palit nalang Kayo ng number ni Theo Apollo gusto ko mag kasama tayo” dinig kong hiling ni Coco-ling. “Ah Mam Coco.. one of the most important thing here is to follow the rules and instruction hindi po pwedeng makipag palit ng number.. Kung sa simula pa lang po eh hindi na kayo Marunong sumunod papano pa po pag nag ha hike na at di kayo nag follow Ng instructions you will put your group in danger” sermon ni kuya Manuel. “Dami niyo naman po sinabi nagtatanong lang naman Kung Pwede” natawa ako ng palihim dahil super siga talaga. Dhaira “Huwag na tayo mag hike Apollo..” maktol ko. “Bakit naman? Ang layo ng byinahe natin tapos mag baback out ka” yakap yakap ko ito habang nag hahanda ang lahat sa pag ha hike. “Eh kasi naman akala ko we will spend time together tapos ilang oras kitang Hindi ma kakasama ayoko non!!” Patuloy kong reklamo. “Dhaira may kasabihan nga tayo sa hinaba haba man daw ng pag ha hike tayo din sa Huli” kinurot ko ito sa tagiliran. “Walang ganong kasabihan Apollo Huwag ko akong lokohin.” Angil ko. Muli akong yinakap ni Apollo ng mahigpit. “ kasama mo naman si Theo tska ilang oras lang naman” ayoko talagang ma hiwalay kay Apollo and worst si Theo-ling pa kasama ko. “Theo ikaw na bahala sa girlfriend ko ha alagaaan mo yan Kung Hindi lagot ka saakin” tatawa tawa naman itong si Theo-ling na Lumapit saamin. “Alagaan?queen of the jungle kaya yang girlfriend mo baka pati Leon matakot diyan eh sa sobrang tapang niyan” talagang ang lakas mang asar nitong Theo-ling nato nakakainis. Hindi ko na lang ito pinansin kasi sinusulit ko ang ilang pang minuto na magkayakap kami ni Apollo bago mag simula ang pag hahike. “Ok guys punta na kayo sa kanya kanyang grupo niyo and we will start hiking” Utos ni Kuya Manuel. Hindi ko na inantay na halikan ako ni Apollo ako na ang humalik sa labi niya. “I’ll see you soon I love you” Sambit ko. “I love you more” nakangiting Sagot ni Apollo. Nagsimula na nga kaming mag hike. Actually maganda ang paligid Kung saan kami nag hahike. Pero nakakapagod. “Shocks.. ang hirap palang mag hike nakakapagod” papano ba naman pA taas baba ang daan. Ang dami pang bato. Akala ko naman smooth ang daan. “ guys May madadaanan tayong maliit na sapa dito ất madudulas ang mga Bato so just be careful kailangan dito ng team work humanap kayo ng kapartner niyo dahil kailangan May kahawak kayo habang natawid” Paliwanag ng guide namin. “Coco-ling tayo na lang partner” Yaya ni Theo-ling. “Bakit natatakot ka Madulas noh?” Asar ko. “rule number one coco-ling always follow the instructions” paalala nito. Inirapan ko ito at nag patuloy sa pag lalakad. Nang makarating sa maliit na sapa nag hawakan ng kamay ang mga mag partner at dahan dahan tumawid sapa. Sinubukan kong tumawid mag isa pero kamuntik na akong madulas buti na salo ako ni Theo-ling. “Careful Dhaira.. common hold my hands tayo nalang inaantay oh” inabot nito ang kamay niya. Nag da dalawang isip pa ako dahil wala akong tiwala dito sa lalaking to eh. “What? Hold my hands common Huwag ng choosy Hindi ka kagandahan” hinawakan ko ang kamay nito sabay suntok ko sa sikmura niya. “Mam Coco Sir Theo Dalian niyo po malayo pa po tayo sa dulo” dinig kong sigaw nung guide. We’re holding hands naka saklop pa nga habang tinatawid namin ang sapa. Bakit ganon parang May kuryenteng dumadaloy sa katawan ko habang mag ka saklop ang aming kamay dapat kay Apollo ko lang nararamdaman to eh. Dahil Hindi ako mapakali sa nararamdaman ko kamuntik na akong madulas dahilan ng pag kahulog ng salamin ko sa mata. Nahawakan ni Theo ang beywang ko bago ako tuluyang matumba. Napatitig ako sa muka nito na puno ng pag aalala saakin. “Are you ok Coco?” Hindi ako nakasagot agad dahil ngayon ko lang na pag masdan ang muka ni Theo sa Malapitan ang gwapo din pala nito “Hey are you ok May masakit ba saiyo?” Mabilis kong inayos ang sarili ko. “Theo yung salamin ko Hindi ko makita nahulog yata” near sighted ako. I’m unable to see things clearly Kung Hindi sobrang lapit nito and everything else is blurry na. “Mukang inanod na ng sapa Coco.. nakikita mo ba ang daan?” Tanong nito. “Yung nasa harap ko lang pero everything else Malabo na” naiiyak kong Sagot. “Hey it’s ok I’m here ok.. give me your back pack” kinuha nito ang back pack ko at muling Pinag saklop ang aming mga kamay. “ just follow me and don’t let go of my hand kahit Anong mang yari.” Bilin ni Theo. Tumango tango lang ako. Nagpatuloy kami sa pag lalakad. Isang Oras na yata kaming nag lalakad. Pero malayo pa Daw. “Ok guys kung sinong gustong mag rest for five minutes mag rest muna there’s also a comfort room doon sa gilid if you need to use it” naupo kami ni Theo. “Do you want water Coco?” Tumango naman ako ksi kanina pa ako nauuhaw nahihiya lang ako sabihin kay Theo kasi siya May bitbit ng back pack ko tapos alaalalay pa ako. “Sorry Theo ha” napatigil ito sa pag inom ng tubig. “Sorry saan?” Takang tanong nito. “Nahihirapan ka Tuloy lalo dahil saakin” nakakahiya naman talaga ang sungit sungit ko sakanya tapos heto siya ngayon ang nag aalaga saakin. “Hindi bagay saiyo yung madrama Coco, mas bagay saiyo yung siga” nakangiting sambit nito. “Siraulo!!” Sabay tulak ko dito kaya natumba ito sa pag kakaupo. “Ay grabe siya oh mapanakit talaga kanina pa ko bugbog sarado saiyo.” Napa peace sign naman ako pero tawang tawa ako ng matumba ito. “maganda ka pala kapag walang salamin” napaiwas ako ng tingin kay Theo matapos ay pareho kaming natahimik. “Oh rest time is over back to hiking na.. ayaw nating maabutan ng dilim dito” sigaw ng aming guide. Binuhat muli ni Theo ang aking back pack at pinag saklop ang aming kamay. “Ready Coco?” Tanong nito “yes Theo I’m ready” I wonder kung ako lang ba ang nakakaramdam ng kuryente sa katawan Tuwing mag kakadikit kami. Sobra rin si Theo kung makaalalay saakin ginawa akong bulag talaga. Kapag mabato naman binubuhat ako na parang bagong kasal. “Theo wala ng bato Bato dito Pwede mo na akong ibaba” kakahiya na talaga. Daig pa namin ang mag jowa. “Ok” binaba ako ni Theo tapos mabilis na pinag saklop ang aming kamay. “Stay with me Coco Huwag kang bibitiw maraming nakalaylay na mga branches” Tuwing May mga sanga na tatama sa Ulo ko he will ask me to stop to clear the path first. Mag pinsan nga sila ni Apollo pareho silang maalaga. “Theo May pumasok yata sa mata ko wait lang” bwisit talaga pag minamalas ka nga naman napuwing pA ako. Malabo na Nga mata mo mapupuwing kapa. “Let me see” he held my face and checked my eye. Sobrang lapit ng aming muka sa isa’t isa. Napatitig akong muli sa napa ka gwapo nitong muka. Bumalik lang ako sa realidad ng hipan nito ang mata ko. “Does it feel better?” Tanong nito. “Yeah thank you” nahihiya kong Sagot. “Ok let’s go” Yaya nito ất muling pinag saklop ang aming kamay. Alam Kong Hindi naman kami totoong mag boyfriend ni Apollo but why I feel like I’m cheating on him dahil sa kakaibang nararamdaman ko kay Theo. Marahil ay miss ko lang si Apollo at nakikita ko ang mga katangian niya kay Theo pero si Apollo talaga ang mahal ko. “Guys konti na lang we’re almost there Mukang tayo ang Huling nakarating sa dulo sa tatlong grupo ha” nahiya naman ako ng marinig ko yun malamang kami ang huli dahil saakin. Nâng makarating nga kami sa dulo na pA awang ang aking mga labi dahil super Ganda ng view “oh my gosh it’s breath taking Theo” magkahawak pA din ang aming kamay habang pinag mamasdan ang view. “Dhaira.. Bakit mag ka holding hands Kayo ni Theo?” Nagulat kami pareho ni Theo ng magsalita si Apollo sa likod namin. Mabilis kaming bumitiw sa pag kaka holding hands at nilingon si Apollo. “Ah Apollo kasi nawala ko yung eye glasses ko.. alam mong Hindi ako makakita Kung Wala yun so Theo just guided me kaya hawak niya kamay ko” paliwanag ko. Nakita kong sinulyapan nito si Theo. “You’re not hitting on her right Theo” seryosong tanong ni Apollo “And you Coco you don’t like Theo right?” Seryoso din tanong nito saakin. Pareho kaming nag kanda bulol bulol sa pag Sagot ni Theo. “Bwisit Bakit ba ako kinabahan sa tanong ni Apollo” sigaw ng utak ko. “Bwahahaha!!!! Joke lang masyado kayong seryosong dalawa” bulalas ni Apollo. “Siraulo ka talaga Apollo” napailing si Theo pero Halatang kinabahan din sa tanong ni Apollo. “Oo nga Apollo.. Bakit mo naman naisip mag kakagusto ako diyan kay Theo-ling eh sobrang nakakainis kaya kayabangan niyan!” Inirapan ko pa nga si Theo. “ the feeling is mutual Coco-ling!! Sa siga mong yan si Apollo lang magtiyatiyaga saiyo kaya alagaan mo baka mauntog magising” sabay lakad nito palayo saamin. “Tignan mo na kayabangan non paano ko magugustuhan yun” Hindi kumibo si Apollo at Ngumiti Lang. “I missed you” sabay halik ko sa labi niya at yakap. I saw Theo staring at us ngunit ng mag salubong mata namin umiwas ito ng tingin. “Let’s go Coco.. let’s eat tapos libutin natin ang lugar we have one hour tapos babalik na tayo” masayang Yaya ni Apollo. “Na Miss mo ko?” Lambing ko habang naglalakad kami. “Siyemre sobra” Sagot nito Sabay halik sa noo ko. “Theo let’s go kain tayo tapos libutin natin yun lugar” Yaya ni Apollo kay Theo. Nilabas namin ang Baon naming pagkain. Sinubuan ko si Apollo ng grapes. “Sana all May nag susubo” parinig ni Theo. Lumapit ako dito. “Say ahh” nagulat silang dalawa ni Apollo sa ginawa ko. “Huwag ka ng Choosy Theo-ling Hindi ka kasing gwapo ni Apollo say AAAAhhhh!!!” Ngumanga naman ito at sinubuan ko rin ng grapes. Ewan ko ba Bakit ko ginawa yun tska ko nalang naisip Kung ano kaya ang naramdaman ni Apollo sa ginawa ko. Sinulyapan ko si Apollo na ngayon ay nakayuko at kumakain pero hindi ko mabasa sa muka niya Kung nag seselos ba siya oh hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD