Dhaira
“Matinik sa babae? Ediba super tahimik and torpe nga ni Apollo kaya napagkakamalang bakla?” Sinulyapan ako nito at Ngumiti. “Bakit ba pinipilit mong bakla si Apollo dahil ba walang nang yari sainyo kagabi? Don’t you think its his way of showing you how much he respect and love you?” Shocks nag muka pa tuloy akong mahilig, gusto ko lang naman malaman Kung May alam ito sa pag katao ni Apollo. “Siraulo!! Hindi yun ang ibig kong sabihin.. ang akin lang if you are very close to Apollo for sure you know him very well just like I know him very well” paliwanag ko. “May gusto ka bang sabihin Coco-ling?” Naka kunot noo nitong tanong. “Wala.. gusto ko lang mag kwento ka about Apollo.. ahh Theo drop off mo nalang ako sa Mondragon Medical Hospital para ma bigyan ako ulit ng eye glasses prescription at maka order ng bagong salamin if its ok with you” ang hirap kasi walang salamin blurry lahat sa paligid ko. “Wala ka bang contact lens?” Tanong nito. “Meron pero ang hirap isuot mas mabilis kung salamin na lang” tumango tango lang ito. “Ok I’ll go with you tapos hatid na din kita sa bahay mo Wala naman akong gagawin ngayon. “Thank you Theo” Hindi na ako tumanggi. Nang makarating sa Ospital May nakasalubong itong matangkad at gwapong lalaki at binati siya “Theo anong ginagawa mo dito.. oh wait is she your wife is she pregnant? Mag papa check up kayo?” Nanlaki mata ko sa sinabi nung lalaki. Si Theo naman napakamot ng ulo at pangiti ngiti. “Matteo ang OA mo.. girlfriend yan ng pinsan ko sinamahan ko lang mag papa check up ng mata.. Pwede kang writer eh ang bilis mong gumawa ng istorya.” Asar ni Theo. “Hahaha.. ganon ba akala ko pa naman nakahanap ka na ng magpapatino saiyo..hi Im Matteo” pakilala nito saakin. “Dhaira.. nice to meet you Matteo” sabay shake hands namin. “Oh sige mauna na ako sainyo ha nag aantay na asawa ko saakin” paalam ni Matteo. “Si Matteo Mondragon ba yun ?” Tanong ko kay Theo. “Yeah Bakit? kilala mo?” Tanong ni Theo habang nag lalakad kami papunta sa office ng Doctor ko. “Sa TV lang,, lagi kayong laman ng TV eh dahil sa pag ka babaero niyo buti papala siya mukang matino na at May asawa na” sabay irap ko kay Theo. “Bakit gusto mo bang maging asawa ko baka mapatino mo ako” sinuntok ko ito sa sikmura dahilan upang mamilipit ito sa sakit, “talagang titino ka pag ako naging asawa mo dahil bubugbugin kita kapag pA saway ka!!” Sabay lakad kong muli. Matapos Kong mag pa checkup nag order na din ako ng salamin pero two weeks pA daw bago ko makuha kaya ni choice ako Kung Hindi isuot ang contact lens ko.
“Daan muna tayo sa J&R coffee shop paborito ko yung muffin nila don eh” alok ni Theo. “Oh yeah!! I love their muffin too..” dumaan na nga kami sa J&R coffee shop at bumili ng muffin at coffee.. doon na din namin kinain ang muffin. “Oh my gosh ang sarap talaga ng blue berry muffin nila dito” nakapikit pa ako habang kinakain ang muffin. “Yeah Masarap na freshly bake pa” Sagot ni Theo. Sarap na sarap din ito sa muffin. “Have you met the owner?” Tanong ko kay Theo. “Yeah si Jacob and Cassandra” mabilis na Sagot ni Theo . “Bakit ikaw Hindi pa?” Umiling iling naman ako. “Gusto ko nga eh crush ko kasi si Jacob eh Ganda ng mata sobra” kinikilig kong Sagot. “May asawa na yun si Cassy” masungit na Sagot nito. “Eh ano naman kung May asawa na crush lang naman! Humahanga lang ako!!” Ma sungit ko ding Sagot.
“Ang Ganda ng asawa ni Jacob mukang Barbie kaya Hindi ka Magugustuhan non” Asar nito saakin. “Excuse me!! Maganda din kaya ako sabi nga ni Apollo muka daw akong manika eh” naibuga naman nito ang muffin na Kinakain niya kakatawa. “Eeww!!! Kadiri ka talaga!!! Tawang tawa ka eh noh!!!” Halos mamatay matay ito sa kakatawa sa sinabi ko. “Si Apollo talaga galing mambola!! Muka ka daw manika? Manika ng ano? Nang Mang kukulam? Bawahhahaha!!” Hindi na ako kumibo kasi nakakahiya ang lakas ng boses daming nakakarinig.
“Dhaira?!” Napalingon ako ng may tumawag saakin. Lalo lang nasira ang araw ko ng makita ko Kung sino ang tumawag saakin. Hindi ko ito pinansin at nag patuloy Lang ako sa pag inom ng kape. “Dhaira my love kamusta kana? Nasaan ang salamin mo Bakit Hindi mo suot?” Tanong ni Kian.
“May naririnig ka bang nag sasalita Theo?” Tanong ko Kunyari kay Theo. “Oo bakit bingi ka na rin ba?” Bwisit ang yaman yaman ang slow. Umirap ako dito dahil ang tanga tanga. “Dhaira can we talk?” Sabay hawak sa braso ko ni Kian. Mabilis kong tinanggal ang kamay nito sa braso ko at pinilipit ko. “Ooouuucchhj!!!! Dhaira masakit!!” Reklamo nito. “Hindi lang yan ang aabutin mo pag Hindi mo ako tinigilan!! Huwag mo akong tatawagin my love ulit nakakasuka!!” Lumabas ako ng mabilis sa coffee shop Hindi ko na nga pinansin si Theo dahil Naiinis din ako sakanya. Nang makakita ako ng taxi agad Kong pinara ito ất sumakay. Narinig ko pa si Theo na tinawag ako.
“Coco-ling!!!” Of all name yun talaga.. “bwisit yung dalawang lalaking yun nakakainis.” Galit na sigaw ng utak ko.
Nang makauwi sa bahay nagtaka ang mommy Bakit naka taxi lang ako at Wala akong bitbit na gamit. “Oh anak Hindi ka hinatid ni Apollo? Nasaaan yung mga gamit mo?” Napa buntung hininga ako bago sumagot.
“May emergency meeting po si Apollo eh.. kaka madali ko naman po nakalimutan ko gamit ko.. sige po mommy ligo lang po ako” paalam ko. Mabilis akong umakyat sa kwarto ko. I texted Apollo first bago ako nag shower. “I love you Apollo.. I miss you can’t wait to be with you again” matapos ay nag shower na ako. Nagulat pA ako ng May kumatok sa bathroom ko habang nagliligo ako. “Anak.. nandito yung pinsan ni Apollo dala yung gamit mo” napasapo ako sa noo ko. “Sabihin niyo po thank you” Sagot ko. “Hindi ka ba bababa anak para mag pasalamat?” Tanong ng mommy. “Ah naliligo pa po ako mommy baka mainip lang po siya sabihin niyo nalang po salamat” Hindi naman pumayag ang mommy na hindi ko babain si Theo. Kaya matapos Kong maligo nagsuot ako muli ng oversized t shirt at maong short na hanggang ilalim ng tuhod at naka pony tail ang buhok ko. Pag baba ko nakita ko itong nakikipag tawanan sa mommy at kay Yaya Denang.
“Ehemmm” tikhim ko.
“Oh anak nandito ka na pala sige iwan muna namin kayo ni Theo.” Sabay lakad putungong kusina nila Mommy.
“Doon tayo sa garden Theo” Yaya ko.
“Bakit mo ako iniwan sa coffee shop?” Tanong nito.
“Obvious ba!!! Bwisit ako saiyo ayoko kitang kasama!!” Ma sungit kong Sagot.
“What did I do? Hindi naman ako yung ex mo ha!! Bakit pati saakin galit ka!” Napaka manhid talaga nito nakakainis.
“Never mind Theo.. but thank you sa paghatid ng gamit ko.. may kailangan ka pa ba?” Walang gana kong tanong.
“Wala na.. sige alis na ako!” Inis na Sagot nito sabay lakad nito palayo saakin.
“Theo!” Lumingon ito agad akala niya siguro pipigilan ko siya.
“Hindi diyan ang daan palabas Sa kabila” Sabay irap ko. “Coco-ling ka talaga!!!” Sigaw nito.
“Theo-ling!!l” Sagot ko sabay dila.
Hindi Pwedeng Hindi Mauuwi sa pag aaway pag mag kasama kami ni Theo.
Si Apollo naman Hindi pa din na Sagot sa mga text ko sobrang busy naman niya para makalimutan ako kahit isang text lang Hindi magawa.
Nasa kwarto ako ngayon at ni rereview ang proposal ng isang kumpanya nang tawagin akong muli ng mommy. “Anak May bisita ka” saad nito matapos kumatok. Mabilis kong binukasan ang pintuan “ Si Apollo po ba?” Kay bilis kong bumaba pero nawala muli ang ngiti ko ng si Kian ang makita kong nasa living room at May dala pa talagang bulaklak. “Mom Hindi niyo naman po nilinaw bwisita po pala.” Nilingon Kong muli si Kian. “Hindi ka pa ba nadadala gusto mo ba ulit masaktan” galit kong tanong habang nalakad ako papalapit sakanya. “Ok lang Dhaira my loves kahit saktan mo ako papayag ako hanggang mapatawad mo ako at bumalik ka saakin.” Napa Ngiti ako ng pilit. “Kapal talaga ng muka mo.. uulitin ko Kian.. tama na ang four years na nag paka tanga ako saiyo hinding hindi na kita babalikan once a cheater always a cheater kaya don’t waste your time and effort” napayuko ito.
“But you’re worth it Dhaira..” sabay titig muli saaking mata. “I’m sorry kung naging Gago ako.. I’m sorry if I didn’t see your worth.. sabi nga nila you don’t know what you got until it’s gone.. at ngayon nag sisisi ako na Wala kana saakin but I will do my best to win you back” napa palakpak ako sa narinig ko. “Wow.. galing mo kamuntik mo na akong mapaniwala.. saan mo ba movie or google nakuha yang mga linyahan mo?.. but try harder Kian kasi kahit na mababango ang mga salita na lumalabas sa bibig mo mas na ngangalingasaw pA din ang baho ng ugali mo.. you can leave now Kian and please don’t come here or near me anymore kahit respeto man lang ibigay mo saakin.” Sabay takbo ko paakyat sa kwarto ko. Naiinis ako kasi heto ako umiiyak muli dahil sa lalaking yun and Apollo is no where to be found just when I needed him the most. Habang naiyak ako nag ring ang phone ko. Hindi ko man Lang tinignan Kung Sino ang natawag basta ko nalang sinagot. “Hello? Apollo ikaw ba yan?” Umiiyak kong tanong.
“No it’s Theo what happened why you’re crying?” Bakas sa boses niya ang pag aaalala.
“Oh nothing Bakit ka napatawag Wala ako sa mood makipag asaran ha!” Walang gana kong sagot. “Apollo just want to tell you na dead battery phone niya and he’s still in a meeting he’ll call you daw pag uwi niya” litanya ni Theo. “Bakit saiyo sinabi Hindi saakin?” Taka Kong tanong. “Ahh.. ano kasi.. nag ka taon lang nakita ko siya Kung saan siya nakikipag meeting” paliwanag nito.
“Ah ok.. pero ok Lang let him know na no need to call me pahinga na lang siya”
“Mam Dhaira ready na po yung kotse niyo” Sambit ni Manong Danny.
“Ok po thank you po Manong” Sagot ko. “Are you going somewhere?” Usisa ni Theo-ling
“Yeah mag papa hangin lang ako.. mag aalis ng stress at Inis sige bye!”Sabay end ko ng call. Bumaba na nga ako at sumakay sa kotse ko. Pumunta ako sa convenience store at bumili ng chips at beer tapos ay nag drive ako sa lugar Kung saan tanaw ko ang city lights. Umupo ako sa bumper ng kotse ko at uminom ng beer.
“Bakit ba parang Wala ng alam gawin ang mga lalaki kung Hindi saktan kaming mga babae!! F*ck you ka Kian!!! Wala ka na nga sa buhay ko pero nagagawa mo pa din akong saktan” sigaw ko.
“Dhaira” napalingon ako ng May tumawag saaking pangalan.