“Gising na!” Yinugyog ng kanyang ina ang kanyang balikat. Mabigat naman ang talukap ng kanyang mga mata nang idilat niya iyon. Pakiramdam niya ay kulang pa ang kanyang tulog at antok na antok pa siya. Hindi kasi siya nakatulog kagabi sa kakaisip kung totoo ba ang sinabi sa kanya ni Robb. “Tanghali na, anak. May pasok ka pa,” sabi pa ng kanyang ina. Bumangon naman siya at sandaling nag-inat. Humikab pa siya tanda na antok na antok pa siya. “Mukhang napuyat ka kagabi a,” sabi naman ng kanyang ina. “Medyo lang po,” nahihiyang tugon niya sa kanyang ina bago tumayo at inimis ang kanyang higaan. “Maligo ka na. Nakahanda na ang pampaligo mo sa banyo.” Tumango naman siya. Tinalikuran na siya ng kanyang ina. Kumuha na rin siya ng tuwalya at inumpisahang maligo. Matapos maligo ay nagbihis na

