12: Suggestion

1856 Words

“R-Robb?” hindi makapaniwalang sambit niya. Ngumiti naman ito sa kanya. “Nagulat ba kita?” tanong nito sa kanya. Tila naman nalulon niya ang kanyang dila at hindi siya nakasagot. Tumango lamang siya at umiwas nang tingin. “Nagbabasa ka pala ng ganyan,” sabi pa nito sa kanya na nakatingin sa binabasa niyang pocketbook na galing kay Kelly. Mabilis naman niya itong ipinasok sa loob ng kanyang bag. Alam niyang bawal iyon sa school lalo na sa loob ng classroom. Hindi pa naman oras ng klase kaya naisip niyang basahin ito. “A-ano kasi…” sambit niya. Hindi siya makatingin sa mga mata nito. “B-Binasa ko lang. Mukha kasing maganda iyong story.” “Pansin ko lang, talagang mahilig kang magbasa at magsulat. Nasubukan mo na bang gumawa ng kuwento gaya niyan?” tanong pa nito sa kanya. Tumingin nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD