Now playing: Ikaw pa rin - MRLD Nicole POV I didn't tell anyone that I was here at Baylight. I just wore a cap and changed the way I dressed so that no one would recognize me at first glance. Sa tanang buhay ko, hindi ko akalain na magiging ganito ako ka-obsess sa isang tao. Talagang sinasadya kong pumunta rito tuwing hating gabi, nagiging habit ko na rin yata para lamang kahit papaano ay masilayan ko si Violet kahit man lamang sa malayuan. Pagkatapos nang nangyaring noong araw na iyon sa restaurant, dahil sa lakas ng trip ni Chase sa buhay ay para bang wala na akong mukha pang maihaharap kay Violet. Sobrang hiyang-hiya talaga ako sa ginawa ni Chase at hindi ko matanggap na makikita ko na namang magkasama sina Violet at Katie. Ewan ko ba at bakit parehas naming pinahihirapan ang mga s

