Now playing: Pretty's On The Inside -Chloe Adams Nicole POV Ilang araw nang hindi makausap ng maayos si Violet. Wala sa amin na malalapit sa kanya ang kinakausap niya ng maayos. Kung hindi ito tatango lang sa amin ay iiling lamang ito bilang sagot sa bawat katangan o sasabihin namin sa kanya. Madalas naman, tulala lamang siya at bigla na lang tutulo ang mga luha sa mata niya. Hindi ko mapigilan ang hindi masaktan para sa kanya. Hindi ko maiwasan ang hindi malungkot sa sinapit ni Katie. At hindi ko siya masisisi. Hindi ito ang araw na dapat akong magselos at pairalin ang mga bagay na hindi naman dapat maramdaman dahil unang-una wala akong karapatang gawin iyon. Minahal at mahalaga si Katie sa buhay ni Violet. Naging isang malaking parte ito ng kanyang buhay kaya hinahayaan ko na lang d

