HAYES COX FERGUSON Nag salubong ang kilay ko sa pitong flavor ng ice cream na dala ni Tiger. "Ang dami naman ata nito?" tanong ko kay Tiger na kumakain na agad ng ube ice cream flavor. Nag kibit balikat ito at tinuro nito si Micro na kanina pa tawa ng tawa. "Siya ang may kasalanan, tumawag sakin tapos hindi sinabi kung anong flavor. Dahil wala akong idea kinuha ko yung bestseller nila.." paliwanag nito na kina tawa lalo ni Micro. "Isang linggong supply 'to mga bata!" wika ni Micro. "Wala munang kakain, wala pang laman na kanin tyan niyo." bilin ni Jinal sa mga bata. "Oy bayad mo, Micro?" paniningil ni Tiger na kina ngisi ko at kina wala ng ngiti sa labi ni Micro. "Bakit ako? Hindi naman ako nag pabili niyan! "sagot nito na kina tawa ko. " Oh sino ba tumawag sakin?! " tanong naman n

