Tamarra's POV "Tamarra what are we doing here?" nagtatakang tanong sa akin ni Dastan ng dalin ko siya dito sa condo na tinutuluyan ni Divina. "Basta sumunod ka nalang sa akin. May hinihintay lang tayo." napakamot pa ako sa ulo. Medyo kinakabahan kase ako sa gagawin namin na ito. Ayoko siyang masaktan dahil mukang seryosong seryoso talaga siya sa Divina girl na ito. But I have ko choice. I need to do this for his own sake. Even if he will going to hate me after this. Hindi talaga ako mapakali. Nanlalamig iyong kamay ko. Ninenerbyos kase talaga ako. Paano kung hindi maniwala si Dastan? Hindi ba sabi nga ni Divina, Anghel ang tingin dito ni Dastan? Ano ba itong nasuong kong laban? Wala akong plan b na naisip bago ko siya dalahin dito. Paano kung pumalpak ang plano ni Ninang? Paano na? "

