Dastan's POV Umaga na ng nagpasya akong pumunta sa bahay nila Mami. Magdamag lang akong nagpalipas ng oras sa sasakyan ko ng manggaling ako sa bar si Cupid. Gusto kong kumpirmahin ang hinala ko kaya ako nagpunta dito. "Mami!" bungad ko agad pagpasok ko palang ng mansion. "Goodmorning Senorito!" bati sa akin ni Berta, isa sa maid ni Mami. Tinanguan ko lang siya "Where is Mami?" tanong ko agad. "Nasa kusina po. Naghahanda po ng almusal."sagot nito. Direderetcho akong nagtungo sa kusina. Nakita ko naman agad si Mami at muka ngang naghahanda ng almusal. Nakita naman niya ako at agad akong sinalubong. "Oh, my son, Goodmorning!" masayang salubong niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi at niyakap. "What happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo?" nagtatakang tanong nito sa akin ng maki

