Thunder's POV Nang malaman ko kung ano ang nangyari sa kapatid ko ay agad kong pinahanap kay Hermes ang lalakeng muntik ng gumahasa kay Tamarra. Itinawag lang sa akin ni Dennis ang nangyari. Sinabi nito ang lahat. Hindi ko na kailangan tapusin ang kwento ni Dennis para malaman ang lahat ng detalye. Agad na ipinakuha ko kay Macario ang cctv footage ng naturang bar. Hindi naman ako nito binigo. Ipinasa ko agad iyon kay Hermes at ipinahanap ko dito agad agad. Nagbilang lang ako ng ilang oras. Nakatanggap aagad ako ng tawag mula dito. "We got him. Same place. Same men." Sabi nito ng sagutin ko ang tawag. "What happened this time?" Tanong pa nito. "It's a long story. It's because of your very behave cousin again, Hermes." Napapalatak na sagot ko dito. "Such a trouble maker." Sagot naman

