Tamarra's POV Sinilip ko si Dastan na natutulog ngayon sa kama ko. Hindi ko alam kung anong sumapi na naman dito at sweet na naman sa akin. Kailangan siguro lagi akong maglalasing para sweet ito sa akin pagkatapos. Kanina kaseng pag gising ko ay nasa kwarto ako nito at mahigpit akong yakap yakap. Hindi manlang nga ito nagising ng umalis ako sa pagkakahiga at nakawan ito ng halik. Akala mong siya ang nalasing kagabi sa himbing ng tulog. Tinanong ko kanina kay Yaya kung sino ang naguwi sa akin ng nanghingi ako ng gamot sa hangover. Ang sagot nito ay si Dastan daw at siya ring nag alaga sa akin kagabi. Pinaliguan lang daw ako ni Yaya at binihisan dahil my suka daw ang damit ko. Kahit masakit ang ulo ko dahil sa hangover ay kailangan kong tapusin iyong trabaho ko. Ayoko pa naman ng inaabut

