Tamarra's POV Ilang lingo na rin ng tuluyan na kaming nagkaayos at nagpasya na magsasama na kami ulit ni Dastan. Sabi nga ni Dennis, kabaliwan ang find and fix myself. Mga pakialamero kase. Pero natutuwa ako dahil tinulungan nila kami ni Dastan para makuha namin ang forever na matagal ko nang pinapangarap. Wala man nang naging problema sa pagitan namin ni Carl Charles. Nakapag usap naman kami at nagkalinawan pati na rin ng Lolo ko. Kahit sila Mama at Mami Lorna kasama si Dadi Rich ay binisita na rin ako at tuwang tuwa na nagkaayos na kami ng anak niya at excited at the same time dahil they know that they are going to be a Lolo and Lola's. "Ma'am! Ma'am Tamarra!" taranta at parang kilig na kilig na tawag sa akin ni Beth. I just raised my eyebrows. "What's wrong?" tanong ko sa kanya. "

