Tamarra's POV Nakarating na kamit lahat dito sa Hawaii, hindi parin kami nagkikibuan. Hindi ako ang unang susuyo sa kanya. Ano siya babae? Dapat ako ang suyuin niya. At saka teka nga, wala naman akong ginawang masama sa kanya ah? Bakit mukang ako pa ang may kasalanan? Napasimangot nalang ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. Hindi talaga ako tinabihan sa kama at nag tiis itong matulog sa couch. Ilag na ilag talaga sa akin. Katulad nalang ngayon. Hindi ko na naman alam kung saan ito nagsuot. Nakatulog lang ako dahil sa pagod sa kakahanap sa kanya. Hindi ko na alam kung matatawag pa ba itong honeymoon. Daig pa namin ang naglalaro ng tagu taguan. Two days na kami dito. Buti sana kung mahuli ko, aamo na sa akin. Kaso hindi, lalo lang akong iniiwasan ng hudyo. Hindi pa nga ako kinakausap. P

