Tamarra's POV Our pre-up shoot was totally a chaos, until my Mama and Ninang arrived in the location. Ang kaninang boring na photoshoot namin ni Dastan ay napalitan ng saya. Alam na alam talaga ng mga ito kung kailan kailangan ko sila. Napangisi nalang ako. Kanina pa kase naiilang si Dastan sa ginagawa namin. Ayaw ng masyadong malapit. Ayaw ng sobrang sweet na pose. Kaya nagrequest muna ko ng break nawala kase ko sa mood. Pero buti nalang nandito na sila Mama at Ninang. Sinumbong ko nga agad si Dastan sa Mami niya. Pinag galitan naman agad ito ng Mami niya. Kakamot kamot nalang ito sa ulo ng pinagagalitan ito. Nang mapalingon siya sa gawi ko ay sinamaan niya lang ako ng tingin. Nginisihan ko lang siya at binelatan. "Akala mo makakawala ka sa akin. Humanda kana." bubulong bulong ako ng

