Dumating ang oras na sakto sa uwian namin from school, kaya nag decide kaming tatlo nina Paul at Marzon na umuwi na. Hinatid nila ako sa kanto namin at nagpatuloy na kami umuwi sa mga bahay namin. At dahil nagkasundo si Paul at Marzon na mag sleep over si Zon sa bahay nila ay tiyak na bukas ng umaga hindi na male-late si Zon sa pag pasok sa first subject namin. Pag-uwi ko hindi ko pinahalata na galing ako sa lakwatsya dahil tiyak na pag nalaman ng Daddy ko ay mapapagalitan ako ng bongga!
Kinahapunan isang hindi ko inaasahang bisita ang dumating sa bahay namin habang nakain kami ng dinner. Ito ay ang pinsan kong si Kuya Jonnel at hinanap ang Mommy at Daddy ko. Nakatingin sya sa akin habang sinabi nya sa mga magulang ko na mag nakita sa akin sa ilog kaninang hapon at nalunod daw ako.... Napagalitan ako ng bonggang-bongga ng Daddy ko dahil sa sumbungero kong pinsan na hindi ko naman lubos maisip kung paano nalaman na nagpunta ako sa ilog at muntik ng malunod! Sinabihan ako ng Daddy ko na pag naulit pa ang paglalakwatsa ko ay hindi na nya ako pag-aaralin at bbiigyan ng allowance ko sa school. Hay nakakainis lang kasi ang akala ko ay malulusutan ko lang ng walang aberya ang nangyari sa akin kanina pero nagkamali ako. Malas ko lang.
Pabiling-biling ako sa aking higaan. Ala-una na ng madaling araw at hindi ako makatulog. Ang hirap matulog at naiinis na ako sa dahilan kung bakit mailap ang antok sa akin. Hindi ko mapigilan di isipin si SUPERMAN. Ewan kung bakit nasa isip ko sya at naiinis na ako sa nangyayari sa akin. Para akong timang! Para akong tanga kasi magkaibigan lang naman kami. Nothing special is going on at alam kong kaibigan lang din ang tingin nya sa akin. Kaya dapat habang maaga pa lang stop ko na ang kagagahan kong ito. HINDI MAAARI..... ERASE... ERASE... ERASE....
"Morning" bati sa akin ni Marzon sabay upo sa tabi ko. Nandito kami sa klase namin sa Math at sa klaseng ito ay magkatabi kami ng upuan.
"Hi" balik bati ko sa kanya... "Good morning" tugon ko pa. OMG.....bakit kinikilig ako.. hanu ba yan self!!!! Anyayare sayo. Sa isip ko ay nagtatalo na ang utak kong parang ginu-gutay ko na sa pag hahanap ng sagot kung bakit ako nagkakaganito sa kanya. Parang tatalon ang puso ko habang pasimpleng sinusulyapan ko syang nakaupo sa gilid ko.
"What?" nakakunot ang noong tanong nya sa akin.
"Anung what pinagsasasabi mo diyan?" patay malisyang tanung ko pa sa kanya.
"Why are you looking at me like that? Did you miss your Superman?" panunukso nya sa akin.
"Wow! Wow lang talaga. Ang kapal ng face mo my friend!" kontra banat ko sa sinasabi nya sa akin. Nagdesisyon ako na hanggat kaya ko ay itatago ko ang nararamdaman ko sa kanya lalo na at hindi ko pa rin naman naiintindihan ang nararamdaman ko. Bago para sa akin ang pakiramdam na ito at baka nadala lang ako sa ideya na may utang na loob ako sa kanya dahil sa nangyari kahapon. Oo, nagkaron ako ng BF nung highschool ako pero hindi naman seryoso. Kasi nung nameet ko ang ina ng first BF ko dati na si Alvin ay hindi ako nagustuhan ng Mama nya. At may iba raw syang gusto para sa anak nya. Kaya nag move on ako agad kay Alvin. Very new sa akin ang feeling na ito at hindi ko alam paano ko ihahandle ito...
"Uy, napipikon na sya. Gagalit ka na sa akin? Cute mo Cess, suklayan kita gusto mo? Ang gulo-gulo kasi ng buhok mo eh." patuloy nyang pag-aasar sa akin.
Sinimangutan ko sya at humarap ako sa pisara, sa loob-loob ko ay nagpapasalamat ako dahil dumating na ang aming guro para sa klaseng iyon. Kailangan ko ng bagay na pde ko mai-divert ang atensiyon ko. Dahil I am worried dahil hindi na ako normal! HIndi ako ito! Saka hindi nga talaga pwede!!! Ayaw ko!!! No. No. No. Please lang Lord, ok na po ako na maging friends lang kami, hanggang doon na lang po sana. Ayaw ko ng nararamdaman kong ito. Ayaw ko po talaga... So help me God....
Nagpatuloy ang mga araw, at habang tumatagal ay lalo akong nag kaka-crush kay Superman. Constant na ang pang-aasar nya sa akin araw-araw. Pang-aasar or pag-papansin I don't know which is which. Nakikipag-asaran na lang ako para hindi sa magka-idea sa nararamdaman ko sa kanya na habang dumaraan ang mga araw ay mas lalong mahirap para sa akin dahil pwede ko ng ihalintulad sa isang puno ang nararamdaman ko sa kanya, na kung saan ito ay lalong yumayabong sa pagdaan ng mga araw.
Isang araw kinausap ako ni Leila Guevarra, isa sa mga kaklase ko at tinanung nya ako kung me landline number kami sa bahay. "Cess, meron ako ipapa phone pal sa iyo, pinsan ko sya. Kung okay lang sayo ha, mababait naman ang mga pinsan ko kaya wag lang mag-alala. Pwede ko bang mahingi ang phone number sa bahay nyo? Para matawagan ka mamaya ng pinsan ko, saka pogi un Cess promise! Mabait na pogi pa!" patuloy na pangungulit sa akin ni Leila.
Naisip ko ung diversion na sinasabi ko, baka ito na ung way para madivert ang utak ko sa iba. Why not give it a try ika nga. Saka phonepal lang naman, walang masama diba. Hindi naman kami mag-uusap ng personal, kaya saglit ko lang pinag-isipan ang desisyon ko na ibigay ke Leila ang number namin sa bahay.
"Okay Leila ito ang number namin sa bahay, 405-2117 ang number namin at siguraduhin mo na mabait ang pinsan mo ha. Kahit hindi na pogi kasi hindi naman kami magkikita eh." sagot ko sa kanya.
"Hala sya, malay mo magkita kayo. At least diba, sinabihan na kita na pogi ang pinsan ko. At baka mamaya maging BF mo sya di magiging pinsan na din kita!" kinikilig na banat pa ng kaklase ko.
"Phonepal lang po Leila ang sabi mo. Ang super advance naman agad ng iniisip mo dyan. Basta phonepal lang po game ako dyan, para me magawa naman akong ibang past time sa gabi.... Hindi yung si Marzon na lang ng si Marzon ang naiisip ko gabi-gabi. Nakakapagod at nakaka puyat kasi ang mag-isip sa taong hindi ka naman ata iniisip!.
Habang nag-uusap kami ni Leila ay hindi ko napansin na naririnig pala sa ni Paul at Marzon ang pinag-uusapan namin. Kaya pag-lingon ko ay nakita ko sila isang dipa ang layo mula sa amin, pero di gaya ng inaasahan ko na aasarin ako ni Marzon ang reaksyon na nakikita ko sa kanya. Blanko ang reaksyon nya sa narinig at wala syang pakialam.
Nilampasan ko silang dalawa ni Paul dahil me klase na ako sa Major subject at hindi ako pwedeng ma-late dahil ako ang reporter today sa klase namin kay Mrs. Charito Acosta. (Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Mam Chato na namatay sa cancer. Mam hindi ko po makakalimutan ang pag-dadala nyo sa school ng avocado para sa akin na galing mismo sa puno nyo sa harap ng inyong bahay. Kayo din po ang naging mentor ko nung lumaban ako sa Provincial Baking Competition sa University of Batangas kung saan naging TESDA CHAMPION PO AKO SA BAKING. MARAMING-MARAMING SALAMAT PO SA INYO. Naging para ko na po kayong ina nung times na nag-aaral ako under your care).
Pag major subject ay hindi ko kasama si Marzon sa klase dahil Electrical ang kinukuha nya samantang Food Tech naman ako. Ito ang nag-iisang klase na tahimik ang mundo ko pero naiisip ko naman sya at namimiss dahil nde ko sya katabi or katapat sa upuan. Ito rin ang pinakamatagal na klase namin sa araw-araw, kaya tiis ganda ako bago matapos ang klase at makasilay ulit ke crush.
.
.
Kinagabihan ay tumawag na ang pinsan ni Leila sa akin. Sandali lang kami nag-usap kasi phone booth pala ang gamit nya sa pagtawag at hindi landline talaga. Malapit daw kasi sa tambayan nila ang phonebooth kaya habang nakatambay sila ng mga tropa nya ay nakikipag-phonepal naman sya sa mga nakukuha nyang number sa mga pinsan nyang babae. Yes, madami syang tinatawagan at isa ako sa mga tinawagan nya ng gabing iyon. Nagpakilala lang sya sa akin at sinabing ang pangalan nya ay si Angelito Marcelino Jr. or Jun for short at malayong kamag-anak na daw nya si Leila pero close silang magpipinsan. Meron pang isang tropa nya nag nakipag-usap sa akin at sinabing ang pangalan nya ay Wen, ayaw nyang sabihin ang buong pangalan nya pero ang hinala ko ang pangalan nya ay Rowel. Pagkatapos ng limang minuto ay nagpa-alam na si Angel at tatawagan nya daw ako ulit bukas.
Ang pagtawag-tawag sa akin ni Angelito ay naging gabi-gabi na sa loob ng halos isang buwan. Minsan ay inaabot na kami ng ala-una or alas-dos sa pag-uusap at napupuyat ako sa pakikipag kwentuhan sa kanya. In a way ay nkakatulong sya sa akin dahil pag nagpaalam kami sa isa't-isa ay diretso tulog na ako at wala ng juice ang utak ko para isipin pa si Superman. Pero pagkagicing ko ay bumabalik na naman sya sa isip ko. Excited ako na makita sya sa klase namin at kapag wala pa sya ay nag-woworry ako na baka nde sya papasok. Ang lakas kasi makalungkot pag hindi sya pumapasok, sumasama ang pakiramdam ko at parang ayaw ko na din pumasok dahil wala sya sa tabi ko.
Maya-maya ay papasok na sya sa pinto at agad na naupo sa tabi ko. "Good morning Cess! Mukhang puyat ka ah! Panay ata ang phonepal mo eh kaya nangangalumata ka na! Sige ka baka mamayat ka niyan pag puyat ka ng puyat. Papanget ka na, gusto ko pa naman ang chubby mong features!" umpisang pang-aasar na naman nya sa akin.
Ting!!!! Parang ilaw sa commercial na nasa utak ko lang ang pag taas ng level ng inis ko sa kanya. Ang aga-aga pa pero ang lakas talagang mang-asar ng hinayupak na ito! Pati pagiging malusog ko ay pinapakelaman! Ipinapahiya nya ako sa mga nakakarinig ng pang-aasar nya sa akin eh! Hindi ako nagsalita at tumayo ako mula sa aking upuan at lumipat sa isang bakanteng upuan sa unahan. Hahabulin pa sana ako ni Marzon pero dumating na ang aming guro na si Mrs. Senen Manuel na guro namin sa oras na iyon.
Pagkatapos ng klase ay nauna na ako umalis at hindi na ako nagpakita kay Marzon. Nasaktan ako sa biro nya. Hindi ko alam kung anung trip nya araw-araw na lang na ginawa ng Diyos na ay ako ang inaasar nya. At some point ay pambu-bully na ang ginagawa nya sa akin eh. At hindi na ako natutuwa. Nasasaktan na ako kasi nga may gusto ako sa kanya tapos ganun ang trato nya sa akin. Hay.... What should I do....
To be continued....