Pagkatapos pirmahan ni Yanissa ang marriage contract ay wala na ring nagawa si Xander kundi ang pirmahan ito. Bakas na bakas naman ang tuwa sa mga mata ng kaniyang ina na mas lalong nakadagdag sa inis na nararamdaman niya. Dahil doon ay mabilis siyang umalis ng mansion upang makapagpalipas ng inis at sama ng loob. Pagkasakay niya sa kaniyang sasakyan ay agad niyang dinial ang numero ng kaibigan. "Leandro, magkita tayo." Iyon lamang ang sinabi niya bago ibaba ang tawag. Hindi na niya kailangang sabihin ang buong detalye dahil alam naman ng kaibigan kung saan sila magkikita. Nagsimula na rin siyang magmaneho at pinaharurot pa niya ito upang makarating agad sa Magnate's Clubhouse. Ang Magnate's Clubhouse ay isang club ng mga mayayamang lalaki sa buong probinsya. Ito rin ang tambayan ng ma

