Mr. Adler, wala na po ang pamilya Ashford sa kanilang mansion.
Mabilis na naitapon ni Xander ang kaniyang cellphone nang mabasa ang text ng kaniyang tauhan na inutusan niyang maghanap kay Allesia. Simula nang tanggihan siya nito ay hindi na niya ito muling nakita o nakausap pa. Maski ang mga magulang nito ay hindi na niya magawang ma-contact pa kaya naman halos mabaliw na siya sa kaiisip kung ano ba talagang nangyayari at kung ano ba talaga ang totoong dahilan ni Allesia sa biglang pag-iwan nito sa kaniya.
“Xander, tumawag sa akin ang secretary mo at ilang araw ka nang hindi pumapasok. May mga naka-pending kang mga reports na kailangang pirmahan,” bungad sa kaniya ng ama na hindi na nag-abala pang kumatok at nagderetso na lang sa kaniyang kwarto.
Napabuntong hininga naman si Xander habang ang ama ay naghihintay ng kaniyang sagot. Tumayo si Xander at pinulot ang cellphone naghiwa-hiwalay na dahil sa malakas na pagbato niya. Hindi nakatakas sa paningin iyon ng ama kaya kumunot ang noo nito.
“You’re wasting your money, son. Ganyan ka ba kapag nagagalit? Basta mo na lang itatapon ang gamit mo at saka papalitan? Hindi kami nagpapakapagod magtrabaho ng Mommy mo para lang sa ganyan mong attitude,” maawtoridad na sambit pa ng ama ng binata.
Mabilis na ginulo ni Xander ang kaniyang buhok. “Dad, please. Hayaan niyo na muna po ako,” pakiusap naman niya.
“Hayaan na magmukmok dito dahil lang sa pag-iwan sa ‘yo ng babaeng iyon? Yan na nga ang sinasabi ko sa ‘yo, Xander. Hindi ang isang Allesia Luna Ashford ang nararapat sa ‘yo.”
“Dad, si Allesia lang ang nararapat sa akin. Kailangan ko lang siyang makausap,” desperadong sagot naman niya.
Pagak na napatawa naman si Mr. Adler na animo’y hinahamak ang tinuran ng anak. “Kung ganoon ay nasaan siya? Kung mahal ka talaga ng babaeng iyon, hindi siya magtitiis na hindi magpakita sa ‘yo ng ilang araw. Why can’t you accept that she just left you like that, like a trash?"
Sa sobrang galit na nararamdaman ngayon ni Xander ay malakas niyang sinuntok ang pader ng kaniyang kwarto. Sakto namang dumating ang ina na nakita pa ang ginawa niya kaya napasigaw na lamang ito. Mabilis itong lumapit sa kaniya at malakas siyang sinampal.
“Xander, hindi ka namin pinalaki ng ganyan para lang mabaliw sa isang babae,” galit na singhal sa kaniya ng ina.
“Paano mo mapapatakbo ang Black Panther kung ganyan ka kahina?” dugtong na sabi naman ng kaniyang ama.
Mapait na napangiti si Xander. “Iyon na lang ba talaga ang tingin niyo sa akin? Tagapagmana ng organisasyon niyo? Wala man lang kayong pakialam sa nararamdaman ko ngayon?” hindi makapaniwalang sambit pa niya sa mga magulang.
Isa pang sampal ang natanggap ni Xander mula sa ina. “Wala kaming pakialam sa nararamdaman mo, Xander. Pinalaki ka naming matatag at matapang upang mapaghandaan mo ang pamumuno sa organisasyon ng ating pamilya. At hindi ang isang Allesia lamang ang sisira ng lahat ng pinaghirapan namin.”
Pabagsak na ipinatong ng ina ni Xander ang ilang pirasong litrato sa kama nito. Napatingin naman si Xander doon at mas lalo siyang nasaktan sa nakita.
“Pinasundan ko si Allesia at ayan, may iba siyang lalaki kaya hindi na ako nagtataka na hindi ka niya kayang pakasalan. Imulat mo ang mga mata mo, Xander. Pag-isipan mo kung karapat-dapat bang pag-aksayan ng luha at panahon ang isang babaeng matagal ka nang niloloko.”
Umalis ang ina ni Xander na agad din namang sinundan ng kanyang ama, habang siya ay naiwang nakatitig sa litratong nasa kama niya. Litrato iyon ni Allesia na malawak ang pagkakangiti habang may kausap na lalaking hindi niya kilala. Kung pakakaisipin nga ay mukhang may relasyon nga ang dalawa lalo na nang makita ni Xander ang huling litrato. Nakahalik ang lalaki sa pisngi ng dalaga habang magkahawak pa ang mga kamay ng mga ito.
Mabilis na napailing si Xander. Kinuha niya ang susi ng kaniyang kotse at dali-daling lumabas ng bahay. Pinaharurot niya ang sasakyan palayo sa kanilang mansion. Hindi niya alam kung saan siya pupunta hanggang sa mapadpad na lamang siya sa bar na lagi niyang pinupuntahan kapag may problema siya.
Sakto namang alas sais na ng hapon kaya bukas na ang bar. Mabilis lang siyang nakapasok dahil kilala na siya ng butler doon. Isang nakakabinging tugtugin at makukulay na ilaw ang sumalubong sa kaniya. Hindi niya alintana iyon at nagderetso na lamang sa counter upang um-order ng inumin niya.
Para lamang juice kay Xander kung paano niya inumin ng deretso ang whiskey. Nang makadalawang order siya nito ay pansamantala siyang pumikit upang namnamin ang epekto ng alak, kasabay pa ng malakas na tugtog na umaalingawngaw sa kaniyang tainga. Wala na siyang pakialam kung malasing man siya ngayong gabi. Ang gusto niya lamang ay pansamantalang mamanhid sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
Sa hindi kalayuan ay may isang babae na deretsong nakatingin sa kaniya, si Yanissa. Kasama ni Yanissa ang bestfriend na si Shaniya. Ito kasi lagi ang routine nila sa tuwing lumalabas sila ng gabi. Nagba-bar sila at nakikipagsabayan sa mga anak ng mayayamang pamilya sa kanilang lugar. At simula nga nang pumasok ang binata sa bar ay hindi na magawang alisin ni Yanissa ang tingin sa lalaking iyon. Hindi niya kilala ang binata ngunit naagaw na agad nito ang kaniyang atensyon. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay tila na-magnet na ang kaniyang paningin sa binata.
“Girl, natulala ka na?” pag-agaw ni Shaniya sa kaniyang atensyon. Sinundan pa ng dalaga ang tingin ni Yanissa at doon ay nakilala agad ang lalaking tinititigan ni Yanissa.
“OMG Bessy! It’s him,” tarantang sabi ni Shaniya kay Yanissa.
Kumunot naman ang noo ni Yanissa dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ng kaniyang bestfriend. “Ha?”
“Siya si Xander Rowan Adler,” mabilis na sagot ni Shaniya na may paghampas pa sa kaniyang braso.
Awtomatikong bumilis ang t***k ng puso ni Yanissa. Pinagpaplanuhan pa lamang niya ang pagkikita nila ng binata ngunit tadhana na yata mismo ang gumawa ng paraan upang magtagpo agad ang landas nila.
“Sure ka?” paninigurado pa niya habang hindi inaalis ang tingin sa binata na nakakailang baso na ng alak.
“Oo naman. Ikaw lang naman yata ang hindi nakakakilala sa isang tagapagmana ng mga Adler,” seryosong sabi pa ni Shaniya sa kaniya.
Totoo iyon. Wala talaga siyang kaide-ideya sa pamilya ng mga Adler. Paminsan minsan ay nakikita niya o nababasa sa mga balita ang pamilyang iyon ngunit hindi naman niya pinag-aaksayahan ng panahon na kilalanin ang mga ito. Masyado kasi siyang natuon sa ibang bagay kaya hindi na niya nabibigyan ng oras ang pagkilala sa mga ibang maimpluwensyang pamilya sa probinsya.
“Tingnan mo o, mukhang brokenhearted nga talaga. Siguro ay tuluyan na siyang iniwan ni Allesia. Kawawang Xander,” dugtong na sabi pa ni Shaniya.
Tipid na napangiti naman si Yanissa. Hindi niya akalain na makakakita siya ng isang tagapagmana na nasasaktan dahil lang sa pagmamahal. Pero kahit na ganoon ay pabor naman sa kaniya iyon dahil kahit papaano ay nawala ang balakid niya sa mga bago niyang plano.
“Mauna na ako sa ‘yo, Bessy ha,” pagpapaalam niya sa kaniyang bestfriend.
“Teka, saan ka pupunta? Maaga pa,” pigil naman sa kaniya ng dalaga.
“Well, tadhana na ang nagsasabi na umpisahan na ang plano,” nakangiting sagot naman niya.
“Ano? L*ngya ka, Yani. Sabi ko sa ‘yo huwag mo nang ituloy ang kahit na anong plano mo,” sabi pa ni Shaniya.
“I’m sorry, Shaniya. But I have no choice. Bye.”
Hindi na hinayaan pa ni Yanissa na makapagsalita ang bestfriend. Dali-dali siyang naglakad patungo sa binatang umiinom pa rin at tila nalalasing na. Mabilis siyang nakaupo sa tabi nito.
“Hi,” maarteng bati niya sa binata.
Hindi sumagot si Xander sa kaniya. Tiningnan lang siya nito at saka ibinalik ang atensyon sa basong hawak. Napasimangot naman si Yanissa dahil na-deadma agad siya ng binata.
“Are you alone?” pagtatanong pa niya sa binata.
“Tss. May nakikita ka bang kasama ko?” sarcastic na balik tanong naman sa kaniya ng binata.
Pinili na lamang ni Yanissa na huwag mapikon sa pagiging rude sa kaniya ni Xander. Ang mahalaga ay pinansin niya ito at malaking achievement na iyon para sa kaniya. Akmang iinom na sana si Xander ngunit mabilis niyang inagaw ang basong hawak nito at saka ininom ang laman niyon.
“What the h*ll?” galit na sambit ni Xander sa kaniya.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa binata ngunit ngumisi lang sa kaniya ito.
“I know a girl like you, a wh*re that looking for a guy to have a s*x with her,” walang emosyong sambit sa kaniya ni Xander.
Nagpanting ang tainga ni Yanissa dahil sa narinig. Ni minsan ay hindi siya naging isang babae na s*x lang ang ipinupunta sa bar. At ni minsan ay hindi pa niya narinig ang mga salitang iyon mula sa kahit na sino. Gustong gusto na niyang suntukin ang binata ngunit inaalala pa rin niya ang plano niya.
Kaya sa halip na suntok ang gawin, hinapit na lamang niya ang mukha ng binata palapit sa kaniya. Marahas niyang hinalikan ang binata na hindi man lang nakapalag. It’s her first kiss ngunit tila isa na siyang eksperto pagdating doon. Naramdaman pa niya ang paghawak ng binata sa likod ng kaniyang ulo upang mas lalong idiin ang halikan nila. Mabuti na lamang pala na ininom ni Yanissa ang alak ng binata kaya kahit papaano ay nagkaroon siya ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang ginagawa.
Nagiging malikot na rin ang mga kamay ni Xander habang patuloy na hinahalikan ang dalaga. Ramdam iyon ni Yanissa kaya mabilis siyang lumayo sa mapusok na binata.
“Yes. I am a wh*re but I don’t want to make a mess in public,” nang-aakit niyang sambit sa binata.
Napangisi naman si Xander. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ni Yanissa at hinila palabas ng bar. Wala nang pakialam pa si Yanissa kung nasasaktan man siya sa paraan ng paghawak ng binata. Agad siyang sinakay ng binata sa sasakyan nito at mabilis na pinaharurot ito. Sobrang kaba naman ang nararamdaman ngayon ni Yanissa. First time niyang mahalikan at ngayon pa nga ay dinala siya ng lalaki at hindi niya alam kung saan sila pupunta.
Palihim na sinulyapan ni Yanissa si Xander na seryosong nagmamaneho habang may pagmamadali. Kaya kahit na nanginginig siya ay dahan-dahang ipinatong ni Yanissa ang kamay sa hita ng binata.
“F*ck, wh*re! Don’t tease me,” tiim bagang na sambit sa kaniya ng binata.
Mas lalong napangiti si Yanissa. Malaki ang naging epekto niya sa binata kaya paniguradong magtatagumpay siya sa biglaang planong naisip niya. Kaya kahit na sobrang kaba na ang nararamdaman niya ay ipinagpatuloy lamang niya ang ginagawa. Ang mga haplos niya ay umabot na sa pagitan ng mga hita ng binata.
“Sh*t!”
Mabilis na gumilid ng kalsada si Xander dahil hindi na niya kaya pang pigilan ang nararamdaman. Inihinto niya ang sasakyan at matalim na tiningnan ang dalagang sa bar lamang niya nakita. Ni hindi nga niya maalala kung nagpakilala ba ito sa kaniya.
“You’re an impatient girl,” seryosong sabi niya.
Mabilis niyang tinanggal ang kaniyang pantalon at hinila ang babae papunta sa kaniyang ibaba. Nagulat naman si Yanissa sa naging aksyon ng binata. Nanlaki pa ang kaniyang mga mata nang makita niya ng malapitan ang sandata ng binata. Hindi niya alam ang gagawin kaya natulala na lamang siya.
“What are you waiting for, wh*re?” tila naiinip na tanong pa sa kaniya ni Xander.
Napalunok ng laway si Yanissa. Kahit na walang karanasan ay hindi na siya inosente pa sa dapat na gawin. Hindi lang niya ma-imagine na ang unang beses na gagawin niya ito ay sa loob pa ng sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.
Dahil sa inip ay hinila ni Xander si Yanissa sa buhok at mariing hinalikan. Nasaktan naman si Yanissa sa pagiging marahas ng binata ngunit wala na siyang pakialam pa. Sinabayan niya ang mga halik ng binata at hindi na niya namalayan pang natanggal na nito ang kaniyang mga saplot. Kahit na maliit ang space sa sasakyan ay hindi maintindihan ni Yanissa kung paanong nakita na lamang ang sariling nakahiga doon habang nasa ibabaw na niya ang binata na abala sa pagpapak sa kaniyang dibdib.
Napaliyad pa si Yanissa nang bahagyang kagatin ni Xander ang kaniyang dibdib. Ngayon niya lamang nararanasan ito kaya hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Para siyang nae-excite na natatakot sa mga susunod pang mangyayari. Ngunit sa sensasyong ipinapadama sa kaniya ni Xander ay nawala ang lahat ng kaniyang pag-aalinlangan.
“Tell me, pang-ilan ako?” biglang tanong sa kaniya ng binata.
“What?” kunot-noong tanong naman niya.
“Pang-ilan ako?” pag-uulit pa ni Xander sa kaniya.
Tila na-realized niya ang tanong ng binata kaya tipid siyang napangiti. “It’s for you to find out,” ang tanging sinagot na lamang niya.
Mukhang na-challenge naman ang binata sa naging sagot niya. Biglang ipinasok ni Xander ang kaniya sa p********e ni Yanissa, walang pagdadahan dahan. Napahiyaw si Yanissa sa sobrang sakit na naramdaman niya na tila may napunit sa kaniyang loob. Hindi rin niya napigilan ang mapaiyak dahil doon. Ito na yata ang ppinakamasakit na naramdaman niya physically sa buong buhay niya.
“Sh*t! I a-am the f-first.”