SHANIYA'S POV Hindi ko na talaga alam kung anong pinagkakaabalahan ng kaibigan ko kaya hindi ko na siya pinilit na makipagkita ngayon mismo. Sinabi naman niya na pupuntahan niya ako mamayang gabi kaya medyo nakampante na ako. Ngayon ko kailangan na kailangan ng isang kaibigan dahil ngayon lang nangyari sa akin ito. FLASHBACK "Gusto mo akong makausap? Bakit? May gusto ka sigurong malaman tungkol sa kaibigan ko, ano?" pabiro kong sambit kay Leandro na pinigilan akong umalis ng bar. Idinaan ko na lamang sa biro ang hiyang nararamdaman ko ngayon. Sa ilang taon ko na kasing nag-babar dito ay ngayon ko lang nalaman na ang gwapong si Leandro pala ang may-ari nito. Kung ano ano pa tuloy ang nasabi ko sa kaniya. Napangiti naman si Leandro sa akin na halos ikitalon na ng puso ko. Gwapong gwapo

