KATATAPOS lamang ng meeting ko with Director Oxford. Kinausap ko ito tungkol kay Grace Roco. At hindi naman ako nahirapan kausapin ito tungkol doon, dahil ito man ay gusto na ring mahuli si Grace Roco. Napag-alaman ko rin mula kay Director Oxford ang ginawang pagmamanipula ni Grace Roco sa aking kapatid na si Alexandra, dahil sa takot ng aking kapatid na idamay ang anak ng mga ito ay nagpadala ito ng malaking halaga kay Grace Roco. At huli na iyon nalaman ni Director Oxford. Naging dahilan din nang pagtatalo ng mag-asawa, kaya simula noon ay pinaghigpitan na ni Director Oxford si Alexandra na makipag-ugnayan kay Grace Roco. Dinoble na rin nito ang seguridad sa mag-ina nang sa ganoon ay hindi na rin magalaw ni Grace Roco ang mga ito. "Dolfo, sa mall tayo. I'm just going to buy something

