"Sige na, anak. Kami na ng Papa ang bahala kay Santino. Asikasohin mo na 'yang dapat mong gawin." Bungad sa akin ni Mama na ngayon ay nakatayo na pala sa aking gilid na hindi ko man lang namalayan dahil na rin sa masyadong nakapokus ang aking pansin sa laptop. Binabasa ko ang mga dokumentong ipinadala sa akin ni Attorney Conception. Dokumento ng restaurant na pag-aari ni Menchie Punzalan kung saan kasosyo nito si Grace Roco. Hindi natuloy ang pakikipag-usap ko noon kay Menchie Punzalan nang araw na pumunta ako ng Hong Kong dahil sa natanggap kong balita noon. Ang nangyari sa aking asawa at ang pagkawala nito, kaya't ipinaasikaso ko na lamang kay Dolfo ang tungkol doon noong mga panahong pinili ko na munang lumayo. Tumango ako, saka ko isinara ang laptop. Nilingon ko ang aking anak na ng

