MALAKAS at malamig na hangin ang umihip sa buong paligid kasabay ng mahihinang pagkulog at pagdilim ng kalangitan na tila nakakadalamhati sa kung ano mang aking nararamdaman sa mga oras na to. Pagdurusa, sakit at pagsisisi ang umaalipin sa akin ngayon, sa aking buong sistema at buong pagkatao na tila ultimong aking puso ay gusto na ring huminto sa pagtibok. Sa loob ng dalawang araw na pananatili nito sa funeral chapel ay ni minsan hindi ko ito nagawang silipin, dahil aaminin kong hindi ko kayang makita ang babaeng biktima ng aking pagkakamali. Ang babaeng ako mismo ang nagdala rito mula sa kamatayan. Napatiim ang aking mga bagang kasabay nang bahagyang pagtingala dahil sa pagpipigil sa aking mga luhang nagbabadyang umalpas. Aaminin kong sa bigat ng aking nararamdaman sa mga oras na ito

