Wallace "SO, how's life pare? Payaman ka ng payaman ah." Tinapik ako sa balikat ni Archie. Ang isa sa batchmate ko noon at isa sa organizer nitong reunion. Ngumisi ako at tinapik din sya sa balikat. "Saan mo naman nalaman ang balitang payaman ako ng payaman?" Tinungga ko ang bote ng light beer na hawak. "Madali lang naman malaman pare. Ang builders company mo ang nangungunang construction company dito sa probinsya natin. And take note, limang taon mo pa lang tinayo ang kumpanyang yan ha." Saad naman ni Manalo at nakipag toast pa sa akin. "Kayo rin naman ah, payaman din kayo ng payaman." Sabi ko rin sa kanila. Gaya ko ay may mga negosyo din sila. Sabay sabay din naman kaming nakagraduate lahat at naging successful sa mga buhay. Halos lahat ay may sarili ng pamilya. Ang iba ay nasa i

