Third POV "KAWAWA naman si Ate Alona may sakit at parang hirap maglakad." Ani Denden na naghuhugas ng kaldero at mga kaserola sa lababo. "Oo nga, kahapon ayos na ayos pa sya." Sabat naman ni Lorna na naghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin. "Baka naman napagod lang sa pag aalaga kay Wayne. Hindi rin biro alagaan si Wayne lalo na kapag sobrang hyper. Gusto pa naman nun minsan laging karga ni Alona. Eh ang bigat bigat na nya." Wika ni Melinda na naghihiwa naman ng karne. "Baka nga. Ako nga wala pang isang oras suko na ako kay Wayne eh. Sumasakit na agad ang mga braso ko. Paano pa kaya si Alona na matiyaga at pasensyosa." Sang ayon ni Lorna. Kaya nga hanga sya kay Alona sa tiyaga nitong mag alaga kay Wayne. Kaya nagustuhan ito ni ser eh. "Piro ang sabi ni Win kanina mommy yayay tot

