Chapter 6

2489 Words
Alona "ITONG cellphone nay may load na po yan ng pang isang linggo. Pwede kayong mag internet dyan kapag nabuburyong kayo sa pinapanood nyo sa tv. May pantext at pantawag din yan. Mag text lang po kayo sa akin kung may kailangan kayo. Ako na lang ang tatawag sa inyo kapag break ko. Bawal po kasing makipag-tawagan kapag oras ng trabaho. Pero kung emergency nay, tumawag lang kayo. Sasagot ako agad." Bilin ko kay nanay at inabot sa kanya ang lumang modelo ng cellphone na touchscreen. "Oo anak." Sagot ni nanay. Ang sunod ko namang inayos ay ang mga gamot nya. In-arrange ko na yun sa box ayun sa tamang oras ng paginom nya at kung ilang beses iinumin. "Nay ito rin pong mga gamot nyo wag na wag nyong kakalimutang inumin ha. Kumpleto na po yan. Sa susunod na linggo pa po ang uwi ko." Nilagay ko sa ibabaw ng estante ang mga gamot nya. "Kuh, masyado mo naman akong binibeybi anak. Kaya ko ang sarili ko. Hindi naman ako lumpo." Natatawang sabi ni nanay. Napangiti na lang ako. "Hindi po kasi ako sanay na maiiwan ko kayo ng matagal nay. Nag aalala ako sa inyo." "Hay naku! Masyado ka namang nag aalala sa akin anak. Paano ka makakapagtrabaho ng maayos nyan kung lagi mo kong inaalala. Ayos na ayos lang ako dito." "Hindi lang po ako nagaalala sa inyo nay. Mamimiss ko rin po kayo." Sa dalawampu't apat na taon ng buhay ko ay lagi kaming magkasama ni nanay. Mula paggising sa umaga, sa tuwing kakain at pagtulog. Kaya alam kong mahihirapan ako pero kailangan kong magtiis. Para ito sa kanya. Gusto ko pang makasama sya ng matagal. "Mate tapos ka na bang mag empake?" Nilingon ko si Girlie na kapapasok lang ng bahay. "Oo, hinihintay na kang kita." Tinuro ko ang pink duffel bag kong may laman na ilang piraso ng damit, mga undies at ilang personal hygienes. "O ayos na pala. Ako na ang bahala kay Aling Daisy mate. Wag kang mag alala. Minsan sasamahan ko rin syang matulog dito kapag gabi." Ani Girlie. "Salamat talaga Girlie. Kapag nakasweldo ako magbibigay ako sayo." Pangako ko sa kaibigan. Malaking tulong kasi ang pagpresinta nya sa pagtingin tingin kay nanay. "Sus! Wag mo ng alalahanin yun. Tulong ko na ito sa inyo ni Aling Daisy." Ngumuso ako. Naiiyak na ako sa halo halong nararamdaman ko. Lungkot dahil maiiwan ko si nanay. Excited at kaba dahil sa bago kong trabaho. At tuwa dahil may kaibigan akong hindi nagdadalawang isip na tumulong. "O wag ka ng umiyak mate, magdadramahan na naman tayo eh. Basta ako ng bahala kay Aling Daisy." Pinahid ko ng daliri ang luhang sumungaw sa gilid ng aking mata. "Maraming salamat talaga mate. Si Tita Elen naman at mga pinsan ko ay pupunta punta din dito para tingnan si nanay. Ikaw na ang bahala kay nanay ha." Bilin ko sa kaibigan. "Oo mate." Nilapitan ko ulit si nanay at dinukot ang pera sa bulsa at binigay sa kanya. "Heto po nay, pambili nyo ng mga gusto nyo. Basta wag kayong bibili ng matatamis ha. Bawal na bawal po sa inyo yun. May mga pagkain naman po sa ref." Bilin ko kay nanay. "Oo anak, pero papaano ka? Baka wala ka ng pera panggatos mo doon." Ngumiti ako. "Meron po nay. Wag po kayong mag alala." "Sige anak, mag iingat ka doon. Palagi kang tatawag kapag pahinga mo ha." "Opo." Yumakap na ako kay nanay at hinalikan sya sa noo. Sinukbit ko na ang maliit na bagpack at binitbit na ang duffel bag. Nagpaalam na ako kay nanay na aalis na. Magkikilta ulit kami sa susunod pa na linggo. Kahit nakangiti si nanay ay bakas naman sa kanyang mukha at mata ang lungkot. May kalayuan din kasi ang Hacienda Martina kung nasaan ang bahay ni Wallace. Dalawang bayan ang dadaanan ko bago makarating ng Santa Inez. Isang oras ang byahe papunta doon. Sasakay ako ng bus at pagbaba sa bukana ng hacienda ay sasakay naman ako ng traysikel papasok ng hacienda. Hinatid ako ni Girlie palabas ng kalsada. Hindi na sumama si nanay dahil baka lalo lang syang malungkot. "Ay o, may humabol pang bwisita." Turan ni Girlie na nakasimangot. "Ha?" Kunot noong nilingon ko si Girlie. Ngumuso naman sya sa harapan. Nabaling doon ang aking tingin at napaawang ang aking labi ng makita si Russell na papalapit sa amin kasama na naman ang mga barkada nya. Ke aga aga magkakasama na naman sila. Mabuti hindi sila nagkakasawaan sa mga mukha nila. "Good morning Alona." Ngiting ngiti na bati ni Russell. Napansin kong bagong ligo sya at bihis na bihis ganun na rin ang mga barkada nya. "Morning din." Nakangiwing bati ko. "Hi Girlie! Ganda natin ngayong morning ah." Bati ni Caloy ang isa sa mga barkada ni Russell. Ngiting ngiti rin sya. "Alam ko." Masungit naman na sagot ni Girlie sabay irap. "Ang aga aga ang sungit mo na naman." Nakangusong sabi ni Caloy at kumamot sa ulo. "Eh papaano ba naman, ke aga aga mga mukha nyo na ang laman ng lansangan." "Ayaw mo nun Girlie? Mga gwapo ang makikita mo." Hirit pa ni Osme na nagpogi pose pa. "Uwacck! Uhuk! Uhuk!" Kunwari namang naduduwal si Girlie. "Saan punta Alona? Parang ang dami mong dala ah." Tanong ni Russell na nakatingin sa mga daladala kong bag. "Ah magtatrabaho na ako Russell." Tamang tama, hindi na nya ako makukulit dahil nasa malayong lugar na ako. "Talaga? Saan ka magtatrabaho?" "Sa Santa Inez." "Ang layo naman. Araw araw ka naman sigurong uuwi di ba?" "Ah hindi, lingguhan ang uwi ko. Pero sa susunod na linggo pa." Nawala ang ngiti nya at napalitan ng lungkot ang mukha. "Ang tagal naman ng uwi mo. Paano na ako? Iiwan mo na lang ako basta. Ganun ganun na lang yun." Ngumiwi naman ako. Heto na naman sya sa kadramahan nya. "At bakit? Sino ka? Kaano ano ka ng kaibigan ko?" Mataray na sabat ni Girlie kay Russell na nakapamewang at nakataas ang kilay. "Manliligaw nya ko." "Manliligaw lang pala eh. Kung makaasta ka dyan akala mo jowa. At saka hindi papatol ang best friend ko sa mga batugan." Siniko ko si Girlie. Baka mapikon sa kanya si Russell. Pero hindi nya ako pinansin. Sumimangot si Russell. "Hindi na ako batugan no. Magkakatrabaho na ko, kami ng mga tropa ko." "Oo nga!" Sabay sabay na segunda pa ng mga barkada ni Russell. "To talagang si Girlie masyadong judgemental. Nakaka-hurt ka ng feelings ha." Wila ni Kulot. "Aba'y mabuti naman at magkakatrabaho na kayo. Hindi yung umaasa kayo sa mga magulang nyo. Ang lalaki ng mga katawan nyo kaya dapat lang na magbanat kayo ng buto. Lalo ka na." Litanya ni Girlie sabay turo kay Russell. "Oy ikaw Girlie, napapansin ko lagi mo kong trip ha. Siguro may gusto ka sa akin no. Sorry ka na lang, pagmamay ari na ni Alona ang puso ko." Hirit pa ni Russell na ikinangiwi ko. Namula naman ang mukha ni Girlie. Hindi ko alam kung dahil ba sa inis o dahil sa blush on nya. "Ang kapal ng mukha mo! Wala akong gusto sayo no!" "Ayiee!" Panunukso ng mga barkada ni Russell. Tuloy naman sa asaran ang dalawa. Pinagtitinginan na nga kami ng mga kapit bahay namin. Itong si Girlie parang hindi man lang natatakot sa grupo ni Russell lalo na kay Russell. Sinilip ko ang suot kong relo. Namilog ang mata ko ng makitang mag a-alas otso na. Male-late ako sa usapan ng oras na dapat nandoon na ako sa bahay ni Wallace. "Hala! Malelate na ko! Una na ko sa inyo." Paalam ko sa kanila at nauna na palabas ng kalsada. Sumunod naman sa akin si Girlie pati na rin sila Russell. Nag aasaran pa rin sila habang nag aabang ng bus na masasakyan ko. "Alona, tawagan mo ko ha. Sobra talaga kitang mamimiss. Alam ko ring mamimiss mo ko. Teka, ano nga pala number mo? Hindi mo pala naibibigay sa akin ang number mo, lagi mo kasing nakakalimutan eh." Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. Dahil sa totoo lang ayoko talagang ibigay sa kanya ang number ko dahil kukulitin nya lang ako. "Wala na syang cellphone, nasira." Si Girlie ang sumagot. "Ganun ba? Bakit hindi mo sinabi agad? O heto ang cellphone ko sayo na. May ekstrang cellphone pa naman ako sa bahay eh. Yun na lang ang gagamitin ko. Importante matawagan mo ko." Inabot sa akin ni Russell ang cellphone nyang branded pa. "Ay nandyan na yung bus mate! Sumakay ka na baka maiwan ka." Biglang bulalas ni Girlie at pinanlakihan ako ng mata. Alam kong gusto lang nya akong iiwas sa kakulitan ni Russell. "Ah oo!" May huminto ngang bus sa tapat namin. Nasa pintuan na nakaabang ang konduktor. Mabilis naman akong umakyat bitbit ang mga bag. "Teka yung cellphone Alona nakalimutan mo!" Sigaw ni Russell. "Hindi na nya kailangan ng cellphone itabi mo na yan! Ma-snatch pa yan eh katangahan mo na lang." Sabat naman ni Girlie. Umupo ako sa bakanteng upuan sa may tabi ng bintana. Nakikita ko pang nagtatalo si Girlie at si Russell dahil sa cellphone. Sila Caloy naman ay kumaway sa akin. Kinawayan ko din sila. "Mate magiingat ka don ha! Ako ng bahala sa nanay mo!" Pasigaw na sabi ni Girlie. "Salamat Girlie!" Kinawayan ko din ang kaibigan. "Sulatan mo na lang ako Alona! Wag mong kakalimutan! At saka wag mo kong masyadong mamimiss!" Pasigaw din na sabi ni Russell na nagflying kiss pa. Ngumiti na lang ako at kumaway sa kanila. Kahit magugulo at makukulit sila siguradong mamimiss ko rin ang mga siga ng baranggay. Umusad na ang lulan kong bus. Lumapit naman sa akin ang konduktor at tinanong kung saan ako. Sinabi ko naman at nagbigay na ako ng bayad. Sumandal ako sa backrest ng upuan at tumanaw sa labas ng bintana. Sinasalipadpad ng hangin ang mahaba kong buhok. Humugot ako ng malalim na hininga. Ito na ang simula ng panibago kong pakikibaka sa buhay. Sana ay kayanin ko. - "Naku bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ni ser." Bungad sa akin ni Ate Melinda pagpasok ko sa main door. Bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala. Kinabahan naman ako. Late ako sa oras ng napagusapan. Alas nuebe ay dapat nandito na ako sa mansion. Pero alas nuebe y medya na ako nakarating. May traffic kasi sa may crossing. "Pasensya na ate, matraffic kasi sa may crossing -- " "Bakit ngayon ka lang? Ang usapan natin ay alas nuebe di ba?" Napapitlag ako sa dumadagundong na malaking boses. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko ng makita si Wallace na pababa ng hagdan. Salubong ang kanyang kilay at walang kangiti ngiti. Mukhang aalis sya dahil nakabihis. Lumunok ako. "M-Magandang umaga po sir. Pasensya na po na late ako. May traffic po kasi sa crossing eh." Kinakabahang wika ko. "Tss! Eh di sana maaga kang umalis para nakarating ka dito agad. Unang araw mo pa lang late ka na." Kumagat labi ako at yumuko. "Sorry po sir." Hindi na ako nangatwiran dahil baka lalo lang nya akong sermonan. "Mamaya na lang tayo mag usap pagbalik ko. Nabriefing naman kita kahapon kaya alam mo na ang gagawin mo." "Opo sir." "Good." Sinilip nya ang suot na mamahaling relo. "Aalis na ako ikaw na ang bahala kay Wayne. Nasa kwarto sya at kasama si Lorna. Melinda, ikaw na ang bahala kay Alona." Bilin nya. "Opo sir." Sagot ni Ate Melinda. Nagpaalam na si Wallace at nilampasan na kami ni Ate Melinda. Sinundan ko na lang sya ng tingin. Lumabas sya ng pinto at eksakto namang may pumaradong magarang sasakyan sa harapan ng maindoor. "Alona, halika na. Ihahatid na kita sa servants quarter. Doon ang kwarto mo kasama naming mga kasambahay. Ilagay mo muna ang mga gamit mo doon tapos ililibot muna kita sa buong bahay bago mo puntahan si Wayne." Untag sa akin ni Ate Melinda. "Oo ate." Sumunod na ako sa kanya bitbit ang duffel bag. Pumasok kami sa malawak na kusina. Doon ay naabutan ko ang dalawang kasambahay na hindi ko pa nakikilala. Pinakilala ako sa kanila ni Ate Melinda. Si Denden ang medyo maliit pero chubby at kulot ang buhok. Si Ikang naman ay katamtaman ang taas at medyo payat. Halos hindi pala nagkakalayo ang mga edad namin. Mas bata nga lang si Denden na bente ang edad. Bale apat silang kasambahay idagdag pa ako na yaya. Pero ang kaibahan ko lang sa kanila ay si Wayne lang ang trabaho ko. Hindi ko na trabaho ang mga trabaho ng kasambahay. Basta ang focus ko ay kay Wayne. "Ang ganda mo Ate Alona. Shene ol." Sambit ni Denden na mukhang madaldal. Nginitian ko lang sya. "Ay day, good luck sa imo. Sana makatagal ka sa pag aalaga kay Win." Sabi naman ni Ikang. "Salamat Ikang, basta gagawin ko ang makakaya ko." "O tama na yang chikahan. Tapusin nyo na yang dalawa ang ginagawa nyo. Halika ka na sa kwarto Alona." Sinundan ko si Ate Melinda palabas ng kusina. Ilang hakbang lang ay narating namin ang nakasaradong pinto. Binuksan nya ito. Tumambad sa akin ang may kalakihang kwarto na may tatlong double deck na kahoy. Malamig sa loob ng kwarto dahil de aircon din. "O dito ka mahihiga sa bakanteng double deck. Mamili ka na lang kung saan mo gusto. Sa ibaba o sa itaas. Ito naman ang drawer mo. Dyan mo ilalagay ang mga damit at gamit mo. Wag kang mag alala solo mo ang drawer na yan wala kang kahati. May kanya kanya naman tayong drawer dito." Paliwanag sa akin ni Ate Melinda. Nilapag ko ang dalawang bag sa ibaba ng double deck na may kutson. Mas gusto ko sa baba kesa sa taas. Nilibot ko ang mata sa loob ng kwarto. "Nasa cabinet naman na yun ang mga unan, kumot at kobre kama. Ikaw na ang bahalang mag ayos ng higaan mo." Tumango tango lang ako sa sinabi ni Ate Melinda. "Pero mamaya na yan. Lumabas na muna tayo para mailibot na kita sa buong bahay para maging pamilyar ka." Sumusunod lang ako kay Ate Melinda saan man sya pumunta. Lahat ng puntahan naming parte ng bahay ay pinapaliwanag nya kung ano ito at para saan. May swimming pool din pala sa likod ng bahay. Pwede daw kaming magswimming pero dapat ay tapos ang lahat ng trabaho. Ako rin gusto ko rin mag swimming. Namiss ko na ring maligo sa swimming pool. Pumunta naman kami sa second floor. Lima pala ang kwarto doon. Tatlo ang guest room at ang dalawa naman ay kwarto ni Wallace at ni Wayne. Magkatabi lang ang kwarto ng mag ama. Na-excite pa nga ako na buksan ni Ate Melinda ang kwarto ni Wallace pero hindi nya ginawa. Bawal daw buksan ang kwarto nito at bawal pumasok ng walang pahintulot. Sayang naman. Ng matapos na kami sa paglilibot sa buong bahay ay pinuntahan ko na si Wayne. Oras na ng trabaho ko sa kanya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD