Tatica NAGING malaking balita sa lugar namin ang nalalapit na pagpapakasal namin ni Conrad. Naging malaking balita din ang tungkol kay Lolo Epi na ama ni tatay at lolo namin ni Kuya. Diaz na rin ang dala naming apelido. Mabilis lang na naasikaso iyon ng attorney ni lolo. Si Conrad ay nasa Manila pa rin. Halos dalawang buwan na sya doon. Umaayos na ang takbo ng kumpanya ng ama nila sa tulong nilang dalawa ni Gavin. Bumabalik na ang mga investor at may nahihikayat pa sila. Dahil hindi na kaya ng papa nila na patakbuhin ang kumpanya ay si Gavin na ang magpapatakbo nito pero aalalayan pa rin sya si Contad. Malapit na rin umuwi si Conrad at pag uwi nya ay aasikasuhin na namin ang kasal namin. May kinontak na nga kaming wedding planner. Tuwing weekend ay walang palya syang umuuwi para magkasa

