Chapter 51

2182 Words

Tatica "PASENSYA na ho kayo daddy kung maliit lang itong bahay namin." "Kuh, walang problema sa akin Elias anak. Basta tao ang nakatira. Saka maaliwalas naman ang bahay nyo." Nakangiting sabi ng matanda. Walang bakas ng kasungitan sa kanyang mukha. "Mano po lo." Nagmano si Kuya Jomel sa matanda na lalong ikinaawang ng labi ko. Naguguluhan ako sa nangyayari. "Salamat apo." Nakangiting sabi ng matanda kay Kuya Jomel at tinapik pa nya ito sa braso. Tumingin din sa akin ang matanda at lalong lumawak ang kanyang ngiti. "Daddy ito naman ho ang bunso ko si Tatica. Anak, magmano ka sa lolo mo." Pagpapakilala sa akin ni tatay sa matanda. Lolo ko daw ang matanda? Tapos daddy pa ang tawag ni tatay. Ibig sabihin sya ang ama ni tatay? Lumapit ako sa matanda at nagmano kahit naguguluhan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD