Conrad HINIMAS himas ko ang manok na si Rocky. Ito ang pinaka iniingatan kong manok sa lahat. Lagi itong liyamado at nanalo sa bawat laban nito. Kaya ingat na ingat ako dito. Kahapon nga ay nakatatlong laban ito at lahat ay panalo. Pero kahit nakatatlong laban ito ay nasa kondisyon pa rin ito. Ang perang napanalunan kahapon sa tupada ay nagpagdesisyunan namin ni Lolo Mati na i-donate sa foundation ng buo para mas marami pang bata ang matulungan. "Kuya." Nilingon ko si Gavin na papalapit. Nakajogger sya at sandong puti. Mukhang galing sya sa pagjojogging. Sa makalawa pa sila uuwi sa Manila. Nginisihan ko sya at nakipagfist bump sa kanya. Kahit hindi kami close ni Tita Maristella at hindi kami masyadong magkasundo ni papa ay sanggang dikit naman kaming magkapatid. "Mukhang ang aga

