Conrad BORED na napapakamot ako sa ulo habang hinihintay matapos maglintanya si Papa. Kararating lang nya mula Manila at wala syang inaksayang panahon at sinermonan agad ako. I'm f*****g thirty seven years old pero kung sermonan nya ako ay para pa rin akong paslit. Nakakahiya lang kung may ibang taong makakarinig. Malamang pagtatawanan nila ako dahil ang tanda tanda ko na pero sinisermonan pa rin ako ng ama ko na wala ng nakitang tama para sa akin. "I told you tigilan mo na yang pagsasabong na yan! Ilang taon na kitang sinasabihan pero hindi ka nakikinig! Tingnan mo ang nangyari sayo? Nakulong ka!" Kumamot ako sa kilay. "Dalawang araw lang akong nakulong papa at naset up lang ako." Bored na sabi ko at dumekwatro pa. "See? At ano ang dahilan? Dahil dyan sa sabong na yan! Kelan mo ba

