ERION TOSCANO
"Mom?"
Katatapos ko lang maligo nang makatanggap ako ng tawag galing kay Mommy. Actually, naka-ilang missed call na siya. Ngayon ko lang nasagot.
Nangunot ang aking noo nang hindi siya sumagot pero dinig ko ang paghikbi niya. Kinabahan ako.
"Mom? W-what happened? May problema ba?"
"Erion! Anak! Ang daddy mo!"
Mabilis akong kumuha ng t-shirt at isinuot iyon.
"Anong nangyare kay daddy, Mom?!"
Naging aligaga ako. Marahas kong binuksan ang drawer at kinuha doon ang susi ng kotse ko.
"S-si- Damon!"
"Mom! Just tell me! I'm worried! Try to relax yourself. What happened to him?"
Halos mapamura ako ng malakas nang mas lalong lumakas ang iyak ni Mommy.
Mabilis na akong lumabas ng condo at halos takbuhin ko na ang pagpunta sa elevator.
"A-ang daddy mo... nahuli ko siya! May kabit ang daddy mo!"
Ang mabilis kong pagtakbo ay unti-unting bumagal hanggang sa huminto ako. Napatulala. Gulantang sa mga bagay na sinabi niya.
"W-what...?" hinihingal na tanong ko.
"May kabit ang daddy mo! Ang sakit, sakit! Umuwi ka na anak! Hindi ko kaya 'to... I-i need you..."
Naiwang lutang ang aking sarili. Ni hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakarating sa masyon.
Humahangos ako nang dumating sa bahay. Pagkapasok ko pa lang sa dining, si Mommy na humahagulgol ng iyak habang nakatakip ang mga kamay sa mukha ang aking nabugaran. Nakaupo siya habang si Daddy ay nakaluhod sa harapan nito at inaalo siya.
Seeing my mother cried and hurt, was like a million knife stabbing me. Labis na nasasaktan ang aking puso. Bayolente akong napalunok. Kumuyom ang aking mga kamao at galit ang lumukob sa aking kaibuturan.
"Dad!" Malakas na umalingawngaw sa buong mansyon aking galit na boses.
Parehas silang napatayo sa gulat. Malalaki ang hakbang na pinuntahan ko si Mommy at hinila siya papalapit sa akin. Humiyaw ito at muling umiyak. Yumakap siya sa akin ng mahigpit at doon ibinuhos ang sama ng loob na kanyang nararamdaman.
Umigting ang aking panga. Matalim na titig ang iginawad ko kay Daddy nang ibinaling ko sa kanya ang paningin.
"What did you do, dad?!" Mariin na sabi ko.
Hindi ito nagsalita. Malamlam lang niyang tinitigan ang yakap yakap ko na si Mommy.
"Kakausapin ko ang Mommy mo..."
"No!"
Tumalim rin ang tingin sa akin ni Daddy ngunit tinapatan ko rin ito. Magkasundo sila nito ngunit kung ang Mommy ko na ang pag-uusapan, I swear! Kayang-kaya ko siyang kalabanin.
"Labas ka dito Erion. Sa amin lang muna ito ng Mommy mo."
"Hah!" Nanunuya akong ngumisi sa kanya. "Sa inyo? Labas ako?" Umiling ako dito at maangas na hinarap ito. "Anong labas? Kasali ako dito! Anak niyo ako! At may karapatan ako! Tapos ikaw! May kabit ka!" Akusa ko sa kanya.
Ang sumunod na nangyare ay hindi ko napaghandaan. Mabilis akong nasuntok ni Daddy. Napasinghap ako at dumaing sa sakit ng pagkakasuntok nito. Halos mapasubsob ang aking mukha sa tiles.
Dinig ko ang pagsigaw at pagtawag ni Mommy sa pangalan ni Daddy. Dinaluhan ako nito at inalalayang umupo. Bahagya akong ngumisi bago nalukot ang aking mukha. Inis kong pinunasan ang aking labi na nagdurugo.
Tsk. Badtrip! Nadali pa ang mukha ko.
"Wala kang galang! Wala kang alam sa mga nangyayare!"
"Galang? Bakit iginalang mo ba kami- si Mommy, ha?! Ikaw ang walang galang!"
Akmang susugudin ulit niya ako nang humiyaw si Mommy.
"Damon, tama na! Huwag mong saktan ang anak ko!"
Kita niya ang galit sa mukha nito, ngunit nang dumako ang paningin kay Mommy, lumambot ito. Muli akong nakaramdam ng galit.
Ang kapal ng mukha niya para tignan si Mommy ng ganyan- na para bang may pakialam siya sa nararamdaman nito.
"Mag-usap tayong dalawa, Alvira..."
Muling kumuyom ang aking kamao. "Wala kayong pag-uusapan ni Mommy! Aalis na kami. Iiwan ka na namin!"
Kita ko ang pag-awang ng labi ni Daddy sa gulat. Hindi ko iyon pinansin kahit pa bakas sa kanya na nasasaktan din siya. Kung nagsisisi man siya, huli na ang lahat.
"M-mag-usap muna tayo Alvira. Pakinggan mo muna ako."
Nag-iwas ng tingin si Mommy. Alam ko naman na nasasaktan siya higit sa lahat, maging ako man.
"No need, Dad. Nasaktan niyo na si Mommy. Sa bagay, hindi na ako magtataka kung nagawa niyong lukuhin si Mommy. Iyong Mommy nga ni Kuya Mute nagawa niyong ipagpalit para kay Mommy, malamang gagawin niyo rin iyon kay Mommy katulad ng ginawa mo sa Mommy ni Kuya Mute."
Walang pasidhi ang galit sa mukha ni Daddy mabilis itong lumapit sa akin para sundan ako ng suntok ngunit mabilis itong niyakap ni Mommy sa kanyang bewang upang hindi makalapit sa akin.
"Damon, tama na!"
"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Ikaw dapat, hindi ako! Ikaw ang nagdala ng problema sa pamamahay na ito!"
Kumunot ang noo ko at lalong nalukot ang aking mukha. Anong karapatan nito na ilipat sa akin ang kasalanang siya ang gumawa.
Bumuka ang aking labi para sana ipagtanggol ang aking sarili ngunit natigil iyon dahil isang malamig na boses.
"Anong problema niyo?"
Nagsilingunan kaming lahat sa kanya- kay Kuya Mute. Apat na taon ang tanda nito sa akin. Twenty-six na ako habang ito ay trenta na. Ang nanay niya ang asawa ni daddy noon ngunit nang makilala si Mommy ay hiniwalayan nito ang nanay ni Kuya Mute at sila ang nagpakasal ni Mommy. Doon ako na buo. Hindi naman lingid sa kaalaman namin ang buong storya nila.
"Itanong mo sa magaling mong Ama!"
Kunot-noo itong bumaling kay daddy. Tumikhim si Daddy bago matapang kaming hinarap na lahat.
"Hindi na magbabago ang isipan ko. Dito natin patitirahin si Erika."
Napasinghap kaming dalawa ni Mommy habang si Kuya Mute ay nanatili na naguguluhan ang mukha nito.
Mariin kong nakagat ang labi sa galit. Humagulgol lalo ng iyak si Mommy at tumatakbong umalis. Sinundan siya ni Daddy at naiwan kami ni Kuya.
"Ah!" Pinagsusuntok ko ang tiles. Wala akong pakialam kung puro dugo't sugat na ang aking kamay. Gusto kong ilabas ang lahat ng nararamdaman ko. Ang lahat ng galit sa matandang iyon. Ang sama niya!
Magbabayad ang babaeng iyon!
I swear, gagawin kong miserable ang buhay ng babaeng iyon. Oras na tumapak siya sa mansyon na ito, ipagdasal niya na hindi ko siya makasalubong. Pagsisisihan niya na kumabit siya kay Daddy.
Hindi ako umuuwi sa bahay na ito. Sa condo ako na uwi pero simula bukas, dito na ulit ako maninirahan. Ayokong si Mommy ang maagrabyado sa babaeng malandi na iyon. Gagawin kong impyerno ang buhay niya!
"Tumigil ka na sa ginagawa mo. Dinudumihan mo lang ang sahig. Linisan mo 'yan." Malamig na ani nito.
Natigilan ako. Nag-angat ng tingin ngunit ang papalayong likuran na lamang ni kuya Mute ang nakita ko. Nalukot ang mukha ko sa inasta niya.
Tsk. Wala pa ring pinagbago.