MALIYAH's POV: Matapos kong sabihin ang aking pangalan sa nagngangalang Clint. Inalok niya ang kamay para magkadaupang palad kami. Pero bago ko tinanggap iyon pinunasan ko ang palad ko ng panyo dahil namawis bigla. Nakakahiya naman baka sabihin niya pasmado ako. Tinanggap ko ang kamay at nang magtagpo iyon ramdam ko ang kakaibang kuryente dumaloy sa himaymay ng aking katawan. Isang pamilyar na pa pakiramdam ngunit hindi ko maalala o mapangalanan man lang. "Ahem, Clint, you can let go of Clara’s hand." Napalunok ako ng wala sa oras dahil bago bitawan ni Clint na ‘yon ang kamay ko pinisil pa niya ito ng bahagya na lalong nagpa-regudon sa t***k ng aking puso. Naningkit ang mga mata niya na hindi ko mawari kung bakit. "Clara, flowers for you!" Napatingin ako sa kay Clint dahil tagis ang mg

