CHAPTER 6-DESIRING HIM SILENTLY

1785 Words
MALIYAH POV I was still processing what just happened, hindi ko nga alam ang buong pangalan niya. Tsaka bakit ba niya tinatanong kong okay lang ano? Yung pakiramdam na hindi ka makatingin sa mata sa taong hinahangaan mo. Yung nagtataka ka bakit hindi siya mawala sa isip mo, yung pakiramdam na gusto mo siyang kausapin pero hindi pwede . The fact still remain, hindi pa muna, uunahin ko muna ang pag aaral at maka pasa muna sa board exam. What happened to Ate Maze is more than enough for me. Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na h’wag muna para naman itong linta kung makadikit sa utak ko. Ang hirap hirap tanggalin. Pinilig ko ang ulo ko just to removed him from my mind.Sabay umupo sina Terry at Alexander. Their eyes were confused. “Anong nangyari sayo?” It was Alexander nakakunot pa ito sa akin habang tinatanong ako. Ano ba itsura ko. Bakit maka react ito ang OA masyado. “Huh?” wala sa loob kong sagot pabalik sa kanya. “ Anong huh? Bakit parang namumutla ka?” Tanong ni Terry sa akin. Para na akong ginigisa ng dalawang ito ha. “Malamang nawalan ako ng dugo kahapon kaya maputla ako”. Inis na singhal ko sa kanilang dalawa. “Hoy Maliyah ako nga hwag mong pinag loloko ha. Bakit ka nga namumutla?” Pabalang na sagot ni Alexander sa akin. Hindi ko talaga kayang maitago sa kanila ang mga nangyayari sa akin. Alam na nila ang likaw ng bituka ko. Ang hirap mag tago sa kanila talaga. Grabe! “Ahh ­— ano Kumain na nga lang tayo gutom na ako, may pasok pa tayo!” Wala na silang nagawa kundi tumahimik nalang at umupo. Tahimik kaming kumain, walang halos nagsalita, hindi rin ako maka titig sa kanila dahil, mabubuking ako. How can I admit, that guy came to me and asked me, if I am okay?What for diba? Pagkatapos naming kumain, uminom na agad ako agad nang gamot kasi ramdam ko ang pag kirot ng sugat ko. Kaninang umaga ng nilinisan ko ito at pinalitan ng benda kita ko ang tahi doon. Medyo may kalakihan nga ito. Sabay sabay na kaming tumayo para pumasok sa room namin kasi may dalawang exam pa kami. Pagkatapos ng apat na asignaturang pagsusulit namin may apat pa ulit bukas. Pagkatapos noon final exam na namin. Ayie konting tumbling na lang Lord. Review nalang at exam. Sana walang aberya sa mga pangarap ko. Yun lang naman ang dasal ko talaga. Pagdating namin sa room umupo na kami sa aming sariling silya. Ilang sandali pa nagsimula ang aming pagsusulit. Wala akong inaral pero ito naman ay naturo na kasi medyo alam ko, at hindi ako masyadong nahirapan. Natapos ang aming dalawang pagsusulit at lahat kami halos drained na ang utak sa sobrang hirap ng exam. Pinag dadasal ko na tama yung mga sagot. Pero hindi ako sigurado. Haist, ang buhay estudyante parang life. “My golly, my brain is dead!” Maarteng reklamo ni Alexander sa amin ni Terry, napakamot nalang kami ng ulo sa mga salitang ginagamit ni Alexander. “Bakit ka nag sasalita, dapat gulay kana ngayon”, Sarkastiko kong sagot sa kanya, at iniikutan lang ako ng mata, he flipped her imaginary hair. Talandi lang talaga ang isang ito eh no. “I am famished,” Banat naman ni Terry, isa din to, nag titipid na nga ako, dahil balak kong bilhan ng gift si Ate Maze sa birthday sa katapusan eh. Kahit ganun naman ang trato ni Ate sa akin, hindi parin naman ako nakakalimot na regaluhan siya. “Kayo nalang nag titipid ako” Nahihiya kong bulong sa kanila, saka mag aral parin ako. Sa bahay nalang ako mag merienda, tiningnan ko ang hello kitty kong relo na binili ko lang sa palengke katabi ng pwesto ni mama, 100 ito pero dahil kakilala ni mama naka tipid ako ng 25, kaya 75 nalang, ang cute lang kasi saka kailangan ko din ang relo. Wala naman akong accessories sa katawan relo lang, wala din akong hikaw. Kasi nga siyempre hindi naman kailangan. Hinila na nila akong dalawa palabas ng gate, nang makarating kami sa labas ng school namin nakahilera na ang mga de padyak na mga naglalako ng ibat ibang merienda. Nauna na si Alexander na pumila sa tapat ng icreaman ni Kuya Nognog, dirty ice cream ito pero super sarap. Mura pa kumpara sa mga mamahaling ice cream brand sa merkado. Bumili si Alexander ng tatlong ice cream na nakalagay sa yellow cup at humingi ito nang wood stick panandok. Tapos niyaya niya kami sa food cart ni Nanay Sita na nagbebenta ng banana cue. Bahala si Alexander bumili, kakain naman ako eh kahit na ano. Hindi naman ako mapili besides, iba ang libre. “Nanay Cita pabili nga po ng banana cue tatlo po.” Magalang na wika ni Alexander, itong si Nanay Sita laging nakangiti at mabait ilang taon na ako dito, nag bibinta na sila rito, ito na ang ikinabubuhay nila. Ang asawa niyang si Mang Delfin ang tagaluto at Nanay Sita naman taga benta. Akalain mo ba na naka pag patapos sila ng anak nila sa kolehiyo sa pagtitinda ng banana cue, nagsisimula sila nang alas nuebe ng umaga, hanggang hapon na yun mga alas singko sila mag liligpit ng kanilang paninda ubos na yun madalas kulang pa. Hindi kasi tinipid sa asukal at ang sarap ng saging mismo. Bitbit na ni Alexander ang banana cue at umupo kami sa waiting shed. Naubos ko na kanina ang ice cream na binili ni Alexander as usual masarap talaga. Alam naman nila kahit aayaw ako hindi naman nila ako hahayaang hindi mag merienda at hindi kami magkakasama sa pag uwi. “Terry, mag rereview center kaba?” Wala sa loob kong tanong sa kanya. Busy si Alexander sa phone niya siguro may nasagap na naman itong balita. Kasi naka taas ang kilay nito kasabay ng pagkunot ng makapal niyang kilay. Ano na naman kaya ang nasagap nitong walang katuturang chismis. Daig pa ang reporter, buti sana kung may bayad siya sa pinag gagawa niya. Napailing nalang ako sa kaisipan kong iyon. “Sabi ni Mommy sa Manila daw ako mag review, Ikaw ba?” sagot nito na hindi nakatingin sa akin. “Self-review nalang ako Terr, alam mo naman na gipit kami ngayon.” Tumango tango lang ito sa akin. Terry was very understanding. Pero yun nga lang sobrang palaayos talaga ito. Pareho kami ng kulay nang balat, hindi naman maputi hindi rin kayumanggi, tama lang. Nang matapos na kaming mag merienda, mag aalas quatro na nang hapon kailangan ko nang umuwi para makapag review at makatulong kina mama, kahit paano. Isang ulirang anak. “Alexander uwi na tayo, may exam tayo bukas”. Marahan kong saad sa kanya. Agad umangat ang tingin nito sa akin. Agad niya akong hinila papuntang paradahan ng tricycle. Kong makahila ito ay parang nang hihila lang ng aso. Bago pa man ako naka pag lakad nang maayos natapilok na ako at dahil may naapakan ako. “Ouch!” Matinis kong sigaw, dahil sa sobrang sakit talaga. Pero bago pa ako tuluyang sumadsad ang aking maganda mukha sa semento ay may sumalo na sa akin at nakapulupot na ang kamay nito sa bewang ko. Hindi ko nakikita ang mukha dahil natatakpan ito ng buhok ko. Pero ang pabango niya ay pamilyar sa akin. Agad kumabog ang puso ko. Halos nanlamig ang buong katawan ko sa takot na mapasubsob ako, sa sa ideyang magkadikit ang katawan namin ng lalaking ito, na hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan. “Opps careful miss.”, I heard his soft and baritone voice. I felt his hard arm encircling around my waist. My face hit his chest. Pangalawang pagkakataon ko na itong mabaga ang matigas niyang dibdib. At ramdam kong ang init ng katawan naming dalawa na dumaloy sa kaibuturan ko. Dahan dahan niyang akong hinila pataas para magkaroon ako ng balanse. I felt his strong grip on my waist. Hinawi niya ang buhok ko na agad kong ikinapula ng mukha. Nag tama ang mga mata namin. His eyes were expressive but dark, kita ko ang ganda ng kulay ng mga mata niya, my world spin around. My entire system froze just like that. Nakaawang ang bibig ko, dumaba ang mga mata ko sa mapupula niyang labi. Gusto ko itong halikan at maramdaman kong gaano ito ka lambot. Aral muna landi later. My constant reminder dali dali akong kumalas sa kanya. “Ah—ah, I’m—I’m sorry.” Kanda utal utal kong sabi. Hindi ako makatingin sa kanya, agad na naman niya akong binitawan. I heard him cleared his voice. Hinila ko si Alexander at Terry papunta sa paradahan ng tricycle. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon ng mukha niya, pati ang babaeng katabi niya. Parang may pinong kurot akong naramdaman sa puso ko. Knowing that he’s dating someone. May karapatan Maliyah? Binitawan ko ang kamay nina Terry at Alexander pag tapat namin sa paradahan ng tricycle. Hingal na hingal ako. Kasalanan to ni Alexander kong hindi niya ako bastang hinila kanina, hindi sana ako madadapa, at matingnan ko ang dinadaanan ko ng maayos. Masama ang tingin na nilingon ko siya. “Kasalaman mo ito Alexander basta ka nalang makahila ng walang pasabi!” Galaiting singhal ko sa kanya. I saw his apologetic look, agad naman akong nakonsensya sa ginawa ko. I shouldn't acted that way, accident happened. “Gusto ko sana iiwas ka na hindi mo makita si prof kaya kita hinila agad kaso hindi ko naman alam na magkabungguan kayo.” Para akong nabingi sa sinabi niya sa akin, his intention was pure, gusto niyang hindi ko makita na may kasama iba yung prof na yun. But destiny played me. Ayaw ni Alexander na sumama na naman ang loob ko, yun nga naikwento niya lang na may nililigawan ito, nabadtrip na ako, and now I witnessed it with my two own eyes. Ouch I can't utter any words, una dahil ginawa niya yun para sa akin, pangalawa napahiya ako at nakita ko na may kasama na itong iba. Parang may kung anong sumaksak sa puso ko. Ano ba itong nararamdaman ko. Mali ito, erase , erase. How would he know na dapat akong iiwas, kaya ba ito busy kanina? “I’m sorry, Alexander, wala lang yun, tara na.” I was stammering, mabuti naman ang intensiyon ni Alexander para sa akin, ngunit hindi lang talaga maiiwasan na may ganung pangyayari. No biggie diba. Bumalik sa gunita ko ang mga mata ni prof, ang kakaibang titig niya. it was like he wants to say something but he chose not to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD