MALIYAH’S POV Tunog ng telepono ang nagpagising sa akin. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko. hindi ko namalayan kung anong oras ako nakatulog kagabi. Antok na antok pa ako dahil hindi ako makatulog sa ginawa ni sir Clint sa akin. Pati ba naman sa panaginip ko may halikan na eksena. May lahing witch ba si Sir Clint? “Hello?” Patanong kong sagot sa kong sino man tumawag hindi ko na natingnan ang screen ng aking telepono. Nakapikit pa ang mga mata ko. “Mal-Maliyah?” Garalgal na boses ni ate ang nasa kabilang linya, napabalikwas ako ng bangon at biglang nagising ang diwa ko. “Ate Maze, kalma muna, anong nangyari?” Nanginginig ang kalamnan ko, sa takot at nerbiyos. “Si Ton-ton, Maliyah!” Pasigaw na ang boses ni Ate Maze. Hindi ko na siya naiintindihan. Dali-dali akong bumangon at pinatay ko n

