Di niya maiwasang di kabahan sa pasipol sipol ng asawa niya na nasa tabi niya ngayon. Nasa sasakyan na sila papunta sa kanilang Villa na tutuloyan ngayong gabi. "Kung iniisip mong di na tayo magpapakasal sa simbahan ay nagkakamali ka, kailangan ko paring pakasalan ka sa simbahan para malaman nung nag chat sayo na pag aari na kita." Sabi nito. Natigilan naman siya wala siyang maalalang may nakachat siya. Kung ganitong selos na selos ito malamang e lalaki ang nag chat. Lihim siyang kinilig kasi minsan lang magselos ang gurang na ito. "Sino? Wala naman akong maalalang may ka chat ako?" Sabi ko. "Rusty Del Mundo, ako ang nakabasa at nakareply sa kanya." Sabi nito na nawala ang ngiti sa labi. Siya naman ay lihim na napangisi sa sinabi nito. Malamang ay napagtripan na naman ni Rusty na e ch

