Chapter 20 My friends went home after lunch para makapag ayos for dinner sa venue na daw kami magkita kita dahil aasikasuhin pa nila Paul ang mga tauhan nya na ipupwesto sa lugar. Kinakabahan na ako sa maaring mangyari sa gagawin namin, alam kong magpapakita si Warren lalo na at hindi naman malapit sa akin ang aking mga bantay. Nararamdaman kong malapit lang sya at nagiintay lang ng tyempo para malapitan ako. This has to stop, ayoko ng lagi akong nangangamba para sa kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay. Besides, panatag naman ako na hindi nya ako sasaktan, he may have harmed other men thinking that they will steal his beloved but that is out of his jealousy. Kapag hindi naman sya na-trigger ay hindi naman sya mananakit. I will use it as my advantage para makausap ko sya ng

