"Are you really okay?" tanong muli ni Nica habang nagmamaneho. Hindi siya mapakali at tila ba'y natatakot siya na baka na-trauma ako sa ginawa ng Mom niya. Tumango ako bilang sagot. "Totoo bang kaibigan mo si Glydel?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. "Yes, why?" tanong ni Nica. Kaagad naman akong umiling. "N-nothing, napansin ko lang na kahit na wala na ang Mom mo ay umaarte pa rin tayo sa harap niya," sabi ko. "Glydel is my true friend pero hindi niya alam ang about sa ginagawa natin. She's my friend and she's kind, pero hindi na niya kailangan pang malaman ang ginagawa namin ni kuya Finn dahil laban namin ito ni kuya Finn against our Mom," wika ni Nica. "Pero 'diba kasama mo ang mga friends mo na nagmamatyag sa'min ni Finn no'n habang nagpapanggap kami na nagdi-date?" tanong

